Isang “concerned citizen” nagtungo sa opisina ng DSWD upang ipahiram ang kaniyang sasakyan para sa relief operations sa Mindanao, hinangaan ng publiko!



Sa kalagitnaan ng matinding pagyanig at pinsala na naranasan ng ilang mga probinsiya ng Mindanao, isang estranghero ang nagtungo sa opisina ng D!saster Operations Center sa Koronadal City na nagnanais na makatulong sa mga tao na nasalanta ng lindol.



“A stranger appeared tonight at DSWD XII D!saster Operations Center in Koronadal City in the midst of heavy rain,” pagbabahagi ng Department of Social Welfare and Development sa kanilang Facebook page nito lamang Oktubre 31.

Ayon sa pagkukwento ng isa nilang staff doon ay inakala nito na humihingi ng tulong ang lalaki na nakilala bilang si Radito Balucanag, residente ng Barangay Solis, Koronadal City ngunit ito pala ay nagnanais na tumulong sa ibang mas mga nangangailangan pa.






“Nakita ko kasi sa TV, parang nakokonsensya ako. Gusto ko sana ipahiram ang sasakyan ko para makatulong sa pagde-deliver ng mga foodpacks ninyo,” pagbabahagi ni Radito sa mga tao na naroroon sa opisina noong mga panahon na iyon na talaga namang hinangaan ng maraming mga tao.
Napag-alaman nila na siya ay dati pa lang “maintenance manager” ng isang kompanya ng bus. Dahil sa kaniyang pagboluntaryo at kagandahang loob ay tinawag itong isang mabuting Samaritano.


“Truly, angels would appear especially in times they are most needed,” komento ng isang netizen.



“Yes po may mabuting kalooban at matulungin po talaga ‘yan. ‘Kuya Bong’ tawag namin sa kanya,” ayon pa sa isang netizen.



“A true hero without cape,” isa pang Facebook user ang nagpahayag ng kaniyang komento.

Tunay nga na nakakamanghang makakilala at makasaksi ng mga taong katulad ng lalaki na ito na hindi nagdalawang-isip na tumulong at mag-abot ng kamay sa mga taong mas nangangailangan at nakaranas ng isa sa mga mahihirap na hamon ng buhay. Tiyak na mas marami pa ang mga pagpapala na matatanggap niya at nang kaniyang pamilya dahil sa kaniyang mabuting kalooban at pagkakawang-gawa na talaga namang kahanga-hanga.




error: Content is protected !!