Manny Pacquiao ikinagalak ang pagiging isang “born again Christian” ni Kanye West!

Maraming mga kilalang personalidad sa ngayon ang tila nagbigay ng inspirasyon sa maraming mga tao dahil sa pagpapahayag nila nang pagbabalik loob o di kaya naman ay pagkilala sa Diyos. Isa na marahil sa kanila ay ang sikat na boksingero at dangal ng maraming mga Pilipino na si Senador Manny Pacquiao. Ang mahusay at beteranong boksingero ay sampung beses nang nagwagi ng titulo sa larangan ng pagboboksing sa buong mundo.


Marami ang nasorpresa nang ibinahagi nito na tinanggap na niya si Hesus sa kaniyang buhay bilang kaniyang Panginoon at Tagapagligtas. At bilang isang “born again Christian” ay nagbahagi ng isang nakakaantig na mensahe si Pacman para sa sikat na rapper at kabiyak ni Kim Kardashian na si Kanye West.

“As someone who had their life radically changed by God, I want to say welcome to the family @kanyewest. Amazing to see how God works in our lives,” pagbabahagi ni Senador Manny Pacquiao sa kaniyang social media account.


Nito lamang ika-25 ng Oktubre ay ginanap nga ang launching ng “9th studio album” ng rapper na “Jesus Is King” na mayroong 11 na gospel-inspired songs na kumita na ng higit sa $1 milyong benta sa buong mundo. Talaga namang marami ang nasorpresa sa pagbabagong ito ng rapper lalo na pagdating sa kaniyang espiritwal na pamumuhay. Lalo na nang ang kaniyang mga kanta ay iaalay niya sa Panginoon. Bago pa man ang nasabing paglabas ng kaniyang “album” ay binuo na niya ang “Sunday Service” na isang rap group na kumakanta ng mga papuring awitin para sa Diyos tuwing Linggo.

Narito ang naging pahayag ni Richard Smallwood na isa ding gospel singer patungkol sa naging transpormasyon ni Kanye West.
“The traditional Christian church has always frowned upon anything that is new and innovative. He’s singing about Jesus Christ and God. And that to me is the bottom line.”



error: Content is protected !!