Ilang dekada na ang nakalilipas ay hindi pa rin nabubulok ang fries at burger na ito ng McDonalds mula sa Iceland!

Maraming mga tao ang talaga namang nagulat at nagtaka kung paanong ang fries na ito at burger na matatagpuan sa Iceland ay tila hindi pa nabubulok kahit pa ilang dekada na ang nakalilipas. Ayon sa ilang mga ulat,binilli ito ng isang lalaki at itinabi bilang isang souvenir matapos magsara at tuluyan nang mawala ang mga McDonald’s restaurant sa bansang Iceland noong taong 2009. Sa taon din na iyon ay nakaranas ng krisis sa ekonimiya ang bansa kung kaya naman napilitang magsara ang tatlong branches ng sikat na fast-food chain na McDonald’s doon.

Siya ay nakilala bilang si Hjortur Smarason na isang communications manager sa isang kompanya patungkol sa space tourism. Bukod sa nais niyang maging souvenir ang mga pagkain na kaniyang binilli ay nais din niyang mapatunayan na hindi talaga nabubulok ang mga pagkain na inihahain o ibinebenta sa ating ng sikat na kainang ito.

“I decided to buy a last meal for its historical value since McDonald’s were closing down. I had heard that McDonald’s never decomposed so I just wanted to see if it was true or not.” Pahayag niya.
Ayon pa sa kaniya, una niyang itinago ang mga ito sa kaniyang garahe, tapos ay ibinigay niya sa National Museum of Iceland, at pagkaraan naman ay napunta na ito sa isang hotel sa kabisera ng Iceland na Reykjavik. Sa ngayon ay naka-display na ito sa loob ng isang glass case sa Snotra House, isang hostel sa Thykkvibaer na matatagpuan sa Southern Iceland na dinadayo rin ng maraming mga turista.

Ayon kay Sigurdur Gylfason na may-ari ng nasabing hostel, marami talagang mga tao ang nagnanais makakita at makasaksi ng hindi nabubulok na fries at burger mula sa McDonald’s. pinabulaanan naman ng kompanya ng McDonald’s ang mga alegasyon na napakaraming kemikal ng kanilang mga produkto na maaaring makasama sa kalusugan ng tao, ayon sa kanila ang mga pagkain na kanilang inihahain ay katulad rin naman ng ating mga pagkain na kinakain sa araw-araw at kung mababantad ito sa “moisture” ay tiyak na mabubulok din ito kalaunan. Maaaring ang dahilan ng hindi pagkabulok ng fries at burger na ito sa Iceland ay ang malamig na klima nila roon kumpara sa iba pang mga bansa.



error: Content is protected !!