Tatlong araw naglakad pauwi ang lalaki na ito matapos lokohin ng contractor, mula Laguna pauwi sa bahay nila sa Tagaytay!

Usap-usapan ngayon sa social media ang lalaki na ito na diumano ay tatlong araw nang naglalakad upang makauwi sa kanilang tahanan. Isang netizen na nagngangalang Rufo Monroy ang kumuha ng video sa kaawa-awang lalaki na naloko daw ng kanilang contractor kung kaya kahit pamasahe pauwi ay walang wala siya. Ayon sa netizen na nagbahagi ng kwento ng lalaki na ito sa social media, ang lalaki ay nakilala niya bilang si Anthony Gamas na isa pa lang construction worker.

Kalunos-lunos ang kaniyang sinapit sa kanilang contractor dahil sa dalawang kinsenas na diumano sila hindi pinapasod ng manlilinlang nilang contractor. At kahit wala siyang pera ay mas pinili niyang maglakad na lamang upang makauwi na siya sa kanila.

Ayon pa kay Anthony, maayos naman ang pasahod sa kanila noong una ngunit makalipas pa ang ilang sahuran ay hindi nila inaakalang gagawin sa kanila ito ng kanilang contractor. Kung kaya naman kahit tatlong araw na siyang naglalakad makauwi lamang ay hindi niya ito inaalintana makauwi lamang sa kanilang tahanan.


Mapapansin sa video na medyo mayroon nang katandaan ang lalaki at talaga namang nagsusumikap pa rin itong magtrabaho upang kumita ng pera. Tinanong naman ni Rufo ang lalaki kung kumain na ito at sinagot naman siya nito na hindi naman siya nakararamdam ng gutom kundi hapo lamang dahil sa ilang araw nitong paglalakad. Bagamat sinabi ng lalaki na hindi ito gutom ay mas minabuti pa rin n Rufo na painumin ng buko juice ang lalaki upang guminhawa ang pakiramdam nito.

Bagamat aminadong kapos rin siya sa pera ay inabutan pa rin niya ito ng P70 upang makadagdag sa pamasahe nito ay tinulungan niya rin itong sumakay sa bus. Umani ng sari-saring komento mula sa publiko ang pagtulog na ito ni Rufo na talaga namang umantig din sa puso ng marami. Tunay nga na kahit walang walang ka sa buhay ay maaari ka pa ring tumulong sa ibang tao na mas nangangailangan.



error: Content is protected !!