Kristine Hermosa, kapatid nitong si Kathleen ang kanilang ina hinangaan ng publiko dahil sa kanilang angking kagandahan!

Si Anna Kirsten Esmeralde Hermosa Orille o mas kilala ng publiko bilang si Kristine Hermosa ay 36 na taong gulang na aktres at modelo na nakilala sa kaniyang natatanging pagganap sa mga palabas na “Pangako Sa ’Yo”, “Sana’y Wala Nang Wakas”, at “Dahil May Isang Ikaw”. “Tin-Tin” ang palayaw niya sa kanilang pamilya at siya ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Ginamit niya ang apelyido sa pagkadalaga ng kaniyang ina na “Hermosa” para sa kaniyang screen name na ang kahulugan ay “maganda” sa salitang Espanyol.

Setyembre 21, 2004, nang ikasal siya sa aktor na si Diether Ocampo. Hindi rin nagtagal ang kanilang naging pagsasama bilang mag-asawa dahil napawalang-bisa rin ang kanilang kasal noong Enero 30, 2009. Enero 12, 2011 naman nang ikasal siya sa anak ni Vic Sotto at Dina Bonnevie na si Oyo Boy Sotto at biniyayaan sila ng apat na mga anak.

Kahit pa nga kilalang personalidad sa industriya ng show business si Kristine at ang kaniyang kapatid na si Kathleen ay nanatiling pribado ang kanilang pamilya at sa pambihirang pagkakataon ay ipinasilip ng magkapatid na Hermosa ang kanilang pribadong buhay nang magbahagi sila ng larawan ng kanilang mahal na ina. Nagbahagi ng larawan si Kristine sa kaniyang social media account kung saan makikita ang larawan nilang magkapatid kasama ang kanilang ina na si Maria Alma Orille nito lamang ika-4 na araw ng Nobyembre. Ngayon lamang nasilayan ng mga netizens ang magandang ina ng Hermosa sisters at marami nga ang nakapansin na hindi maipagkakaila na sa kaniya sila nagmana ng kanilang kagandahan.
Ito ang naging caption ni Kristine sa kaniyang viral post:

“Missing you always my Mama… I LOVE YOU FOREVER. #motherslove #Godsgift #blessed.”

Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens patungkol sa larawan ng mag-iina:
“Pareho silang mga diyosa! Kamukha ni Kristine ang mama niya. Alam na natin kung kanino siya nagmana ng kagandahan.”

“Kay ganda ng mama ninyo… nakuha ninyo ang ganda niya, where is your mom now?”

“Napakaganda ni Kristine Hermosa and so the mom and her sister… ‘yung gandang hindi mo pagsasawaan tingnan. Parang magkakapatid lang sila.”

“Tintin is my ultimate crush noong late 90’s – early 2000… ganda pa rin parang hindi nagkakaedad at parang dalaga pa rin. Mana siya sa nanay niyang maganda rin.”

“Iyan ang good example sa mga mag-iina kahit may mga away mga iyan di nag–expose.”



error: Content is protected !!