Mga estudyante maaari nang makakuha ng 20% na diskwento sa mga “domestic flights”

Isang napakagandang balita para sa mga mag-aaral na Pilipino maging sa kanilang mga magulangdahil sa maaari na silang makakuha ng diskwento sa pagbili ng mga airline tickets nila. Ang Civil Aeronautics Board o CAB ang nagpabatid sa publiko ng magandang balita sa kanilang pagpapatupad ng “R.A. 11314” o ang S”tudent Fare Discount Act”. Inanunsyo ng CAB na maaari na ring magkaroon ng diskwento ang mga mag-aaral na babiyahe sa mga mga “domestic flights” ng 20% na diskwento.

Narito ang nilalaman ng “Policy Resolution No. 5” ng Civil Aeronautics Board:
“Starting Nov. 1, all Filipino students enrolled in elementary, secondary, technical-vocational and higher education institutions are eligible to avail of the discount on regular domestic flights.”

Ang nasabing diskwentoi ay hindi sakop ang mga mag-aaral nan aka-enroll sa “postgraduate” o sa mga “informal short-term courses” gaya na lamang ng “dancing”, “swimming”, “music”, “driving lessons” at mga “seminar-type course”.

Ayon pa sa nasabing resolusyon ang nasabing diskwento ay sumasaklaw sa panahon nan aka-enroll ang estudyante maging Sabado at Linggo o “Holidays” man. Bilang paglilinaw sa nasabing batas ay hindi pinapayagan ang pagkakaroon ng “double discount” para sa mga estudyante dahil maaari lamang silang pumili ng isa sa regular na pamasahe nila na nabawasan na ng “student discount” o di kaya naman ay ang airline ticket ng mag-aaral na nasa promo rate.


Upang makakuha ng nasabing diskwento ay kinakailangang magbigay ng “identification cards” ang estudyante sa pagbili nito ng airline ticket sa mga ticketing offices. Maaari silang magpakita ng school ID, o ang kanilang “validated enrollment form”. Maaari din silang mamili sa mga sumusunod: birth certificate, baptismal certificate, Form 137, naturalization certificate o passport. Nilagdaan ng Pangulo Duterte batas na “Student Fare Discount Act” noong nakaraang July 2019. Talaga namang malaking tulong at ginhawa ito para sa maraming mga kabataang Pilipino lalo na sa kanilang mga magulang.



error: Content is protected !!