Isang batang vendor ang nag-viral online dahil sa pagbabalanse nito ng tatlong kahon sa kaniyang ulo habang nagbibisikleta!

Kung inaakala natin na mahirap ang magbalanse ng isang kahon, paano pa kaya ang higit sa dalawa pang mga kahon. Tunay ngang mahirap talaga ang magbalanse ng mga bagay. Ngunit tila mayroong kakaibang talento ang batang ito na taga-Parañaque.

Isang video at ilang mga larawan ang naging viral sa social media na ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Bruce Dolores. Habang nagmamaneho ng kaniyang bisikleta ang bata ay agad itong dumaan sa nasabing netizen na mayroon pang binabalanseng tatlong kahon sa kaniyang ulo. Talaga namang nakapukaw sa kanilang atensyon ang ginawang ito ng batang tindero ngunit mas namangha sila dahil sa pambihirang pagbabalanse nito ng mga kahon sa kaniyang ulo habang nagbibisikleta.

“Share ko lang to mga paps, Sobrang nabilib ako dito. Kaya kinunan ko ng video – kaya niya nga i balance yong kakanin at yakult niya, Relasyon niyo pa kaya? swabe! Hahaha Galing!” Bruce wrote, definitely impressed by the kid’s skills. “Pashare nalang po ng share, Para matulungan yong Bata Salamat. God bless!” Pahayag ng netizen.
Talaga namang sobrang namangha si Bruce sa nasaksihan at ilang mga netizen pa ang nagpahayag ng kani-kanilang mga komento at reaksyon sa napanuod na video dahil sa murang edad ay talaga namang kayang-kaya ng bata ang magbalanse ng mga kahon sa kaniyang ulo ng ganun lamang kadali para sa kaniya.

Ang mga kahon pala sa ulo ng bata ay ang mga pagkain na kaniyang itinitinda. Mayroon siyang “ice box” para sa tinitinda niyang Yakult at lalagyan ng mga kakanin. Maraming mga tao ang nagnanais na bumili sa kaniyang mga paninda dahil hindi naman din biro ang magtinda at ang maging madiskarte sa buhay sa murang edad kagaya ng batang ito.

Talaga namang kahanga-hanga ang mga ganitong uri ng mga kabataan na ginagawa ang lahat upang makatulong sa kanilang pamilya at kumita ng marangal mula sa sarili nilang pawis at pagod.



error: Content is protected !!