Lalaki nagpagasolina ng halagang P1,000 ngunit bigla na lamang tinakbuhan ang kawawang gasoline boy!

Nito lamang Undas ay nabigla ang isang gasoline boy dahil sa hindi niya akalain na tatakasan siya ng lalaki na nagpakarga sa kaniya ng halagang P1,000 na gasolina na nangyari nang madaling araw. Ito ay naganap sa Unioil gasoline station sa Las Piñas sa ganap na 4:02 ng madaling araw nang unang araw ng Nobyembre.

Nakuhanan pa nga ito sa isang CCTV footage na ibinahagi naman sa social media ng isang Eon Zuñiga. Ang sasakyan ng lalaking tumakas at hindi nagbayad ng kaniyang gasolina ay napag-alaman na isang kulay asul na KIA na mayroong plate number na ABJ 6175.

Ayon sa kwento ni Zuñiga, matapos magpakarga ng gasolina ay mayroong tatlong supot na ipinahawak sa gasoline boy na mayroong laman na sari-saring pagkain sa kadahilanang hahanapin diumano nito ang kaniyang pitaka.

Nang hawak na ito ng gasoline boy ay nagsabi ang lalaki na naiwan nito ang pitaka sa isang restaurant kung kaya naman agad nitong pinaharurot ang kaniyang sasakyan.
May mensahe naman si Zuñiga para sa lalaking hindi nagbayad sa kaniya ng pinakarga nitong gasolina. Narito ang kaniyang post sa social media:

“Baka po may nka kilala oh mka kita sa taong to nag pa gas po yan skin dto sa Las piñas unioil tpat ng sm southmall NAVY BLUE KIA, PLATE ABJ 6175. Nagpa-gas yan nov 1. 4.20am ng 1k. After sya ma kargahan bigla syang my inabot ng 3bag ng mga kung anu anung pagkain. Sabi niya pahawak saglit pre kunin ko lng wallet ko after niyang maiabot ung mga item bigla siyang nagsalita.

Ay naiwan ko pala wallet ko sa kfc sabay bigla siyang alis. Alam mo sir kung sino ka man oo 1k lang yan pero malaking bagay sa kin yan na nagtatrabaho ng maayus tpos babanatan mo ko ng modus mo may karma yan sir. D ko to agad ni post kc ayaw ko mapahiya ka pero tama lang to tandaan ma sir my karma yan.” Pahayag ni Zuñiga.



error: Content is protected !!