Vice Ganda masayang nag-post ng nakakakilig na mga larawan nila ng kaniyang nobyo na si Ion Perez!

Si Jose Marie Borja Viceral o mas kilala ng publiko bilang si Vice Ganda ay 43 taong gulang na komedyante, host, aktor, at mang-aawit. Siya rin ay regular host at judge ng noontime variety show ng Kapamilya network na “It’s Showtime”. Kamakailan nga lamang ay talaga namang nagulat ang publiko sa rebelasyon ni Vice patungkol sa tunay na relasyon nila ni “Kuya Escort” Ion Perez. Makalipas ang ilang mga buwan nang usap-usapan at espekulasyon patungkol sa tunay na ugnayan ng dalawa ay masayang ibinahagi ng komedyante ang halos higit sa isang taon na nilang relasyon ni Ion.

Magkasabay pa ngang nagdiwang ng “Halloween” ang dalawa nang lumipad sila patungong Japan kasama ang ilan pa sa kanilang mga kaibigan. Nagbahagi naman ng larawan si Vice noong unang araw ng buwan ng Nobyembre kung saan nakasuot ng Princess Jasmine at Aladdin costume ang dalawa. Naging inspirasyon nila ang sikat na Walt Disney film na Aladdin. Talaga namang marami ang kinilig at natuwa sa mga larawang ibinabahagi ng celebrity.

Matapos nito ay nagbahagi muli si Vice ng isa pang larawan kung saan magkahawak-kamay sila ng nobyong si Ion habang naglalakad sa isang kalye sa Japan na mayroong hawak hawak na inumin sa isa pa nilang kamay. Nito lamang ika-7 ng Nobyembre nang muling nagbahagi ng sweet photo nila si Vice sa social media na kuha mula sa isang event.
Narito ang inilagay na caption ni Vice:
“Noon may nagsabing ‘Walang Forever!’ Pero may natagpuan ako kaya sabi naman nila ‘Sana oil!’ At ngayong damang dama nila ang saya ko ang masasabi mo na lng ‘Apakayabang mo!’ Hehehehe!!!” Masayang pagbabahagi ni Vice.

Talaga namang nag-uumapaw sa saya ngayon ang magkasintahan dahil sa wakas ay nabigyan na ng linaw ang kanilang relasyon. At marami sa mga mahal nila sa buhay, mga kaibigan at tagahanga ay maligayang maligaya rin na natagpuan na nila ang isa’t-isa.

Source: Pep



error: Content is protected !!