Dimples Romana mayroong kakaibang “wedding gift” para sa nalalapit na kasal ng kaniyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin



Masayang ibinahagi ng Kapamilya actress na si Dimples Romana na mayroon siyang kakaiba ngunit espesyal na wedding gift para sa nalalapit na kasal ng kaniyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin. Dahil sa alam na alam niya ang gusto ng kaibigan at batid niya kung ano ang mas makapagpapasaya dito. Narito ang kaniyang naging pahayag:


“Oh my God, ang hirap regaluhan ni Angel. Alam mo bakit? Sobrang simple niya. Di kasi siya mahilig sa magarbong gamit. As you know, nauuna ‘yang mag-donate.” Pagbabahagi ng aktress na talaga namang aminado sa kasimplehan at sa kabutihang-loob ng kaniyang kaibigan.



Dagdag pa ng “Kadenang Ginto” star, batid niyang mas matutuwa si Angel kung ang magiging regalo niya rito para sa kaniyang kasal ay makakatulong sa mas nakararami.
“So kung ako, sa totoo lang, nakikita ko diyan baka kung cash ang ibibigay ko sa kanya, malamang sa malamang ido-donate niya rin. So ididiretso ko na. Sasasabihin ko lang sa kanya, ‘Mars naibigay ko na ito sa ganito sa ganyan.’ Kasi ganun siya.” Pahayag pa ng aktres.



Ibinahagi pa ng aktres na naghahanda sila ng kakaibang “bachelorette” party para kay Angel. Dahil sa alam nilang hindi basta basta isang bride lamang si Angel ay talaga namang nagpaplano sila ng ibang klaseng “bachelorette”.
“So, kaming nagre-ready ng bachelorette ay hindi lang puro babae. So may mga friends siya na lalaki who are also part of her bachelorette. So ang saya lang. Ang cute ni Angel.”


“Alam mo natutuwa ako sa kanya kasi nandoon ako simula’t simula. Kumbaga na-witness ko ito, na-witness ko lahat ang pinagdaanan niya. So alam ko na aalagaan siya nang maigi ni Neil at alam ko na mahal na mahal siya ni Neil. Iniingatan siya,” Dagdag pa ni Dimples.

Talaga namang excited na ang marami para sa nalalapit na kasal ng pinakamamahal nating si Ms. Angel Locsin. Masayang-masaya ang kaniyang mga kaibigan at mahal sa buhay sa bagong yugto na ito ng kaniyang buhay.






error: Content is protected !!