Isda na mayroong mukha ng isang tao namataan sa isang lawa sa Tsina!



Marami ang naintriga, nabahala, at talaga namang namangha nang mabalitaan ang kakaibang balita na ito patungkol sa isang isda na diumano ay mayroong mukha ng isang tao! Tiyak na mabibigla ang sinumang makakakita nito dahil sa “human-like face pattern” na makikita sa isda na ito. Ang kakaibang isda na karpa ay namataan ng isang turista sa isang lawa sa Kunming City sa China.



Nito lamang Nobyembre 5, 2019 nang makuhanan ng video ang nasabing isda na lumalangoy papalapit sa gilid ng isang lawa. Bahagya pa nga nitong inilitaw ang kaniyang ulo at talaga namang kapansin-pansin ang dalawang bilog na marka sa ulo ng isda na parang mga mata ng tao, at tila mayroon pang dalawang butas ng ilong sa ulo ng isda at isa pang marka sa parang isang bibig ng tao.
Manghang-mangha naman ang mga nakakita at mayroon din ilang mga turista na nagsasabing “diwata” diumano ang kakaibang isda. Maraming mga netizens ang nabigla sa nakita nilang video mula sa Weibo, isang kilalang social media platform sa Tsina! Ayon sa ilang mga komento ng mga netizens, marami sa kanila ang hindi daw susubuking kumain ng ganoong isda. Marami din sa kanila ang natakot at inihalintulad pa nga ang isda sa mukha ni “Voldemort”, na isang kilalang karakter sa 2004 animated movie na “Shark Tale.”


Lingid sa kaalaman ng publiko, hindi pala ito ang unang pagkakataon na namataan ang isang karpa na may human-like face pattern dahil noonv 2016, isang primary school teacher sa Wugang City na nakilala bilang si Qiu Xiaohua sa Hunan province sa central China, ang nakahuli ng karpa na may “mukha” ng tao.

Talaga namang nakamamangha, at nakakatakot ang hitsurang ito ng isdang karpa. Aakalain mo na sa mga pelikula at palabas lamang sa telebisyon mo makikita ang mga ganitong uri ng nilalang ngunit mayroon pala talagan mga totoong isda na mayroong tila mukha ng tao sa kanilang ulo.





error: Content is protected !!