Engaged na si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters kay CamSur governor Migz Villafuerte!



Malapit na ngang ikasal si Miss Universe Philippines 2017 sa Camarines Sur governor na si Miguel Luis “Migz” Villafuerte. Ibinahagi ng beauty queen ang magandang balita sa kaniyang Instagram account kung saan nagbahagi siya ng larawan habang suot suot ang kaniyang engagement ring.



“Your girls getting hitched! (ring emoji)” Pagbabahagi ng Pinay beauty queen sa kaniyang social media account. Bumuhos naman ang mga mensahe ng pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan, pamilya at sa kaniyang mga tagahanga.


Ipinagdiwang ni Rachel at Migz ang kanilang ika-limang taong anibersaryo bilang magkasintahan noong Hulyo 16 kung saan sila ay lumipag patungong Kenya. Nagbahagi din naman si Rachel ng ilang mga larawan nila sa kanilang pamamasyal sa naturang bansa.


Naikwento naman ng 28 taong gulang na si Rachel kung paano sila nagkakilala ni Gov. Villafuerte. Ayon sa kaniya, nagtungo siya sa Pilipinas upang lumahok sa Miss World ngunit pagdating niya dito ay wala siyang kilala masyado. Nakilala niya si Migz sa isang event sa probinsiya ng nakababatang pulitiko. Noong una ay hindi talaga type ni Rachel si Migz at aminado itong hindi “first love” ang kaniyang naramdaman dito.



“So I was invited to an event in Cam Sur and we met there. It was not love at first sight. Sobrang hindi ko siya type at first. But then, the more time we spent together, I realized he really has a good heart. His heart is always in the right place and, you know, he loves his family. And for me, those are two important things to look for in a guy,” pahayag ng beauty queen.

Kahit pa nga hindi niya type ito unti-unti niyang napapansin na ang mga gusto niya sa isang lalaki ay na kay Migz nga. Dahil sa mabuting puso nito at ang kaniyang pagbihirang pagmamahal nito sa kaniyang pamilya ang ilan sa mga katangian ng gobernador na talaga namang labis niyang hinahangaan.