Isang Pinoy nagwagi sa isang “International Ice Carving Contest” sa France!



Rogel Cabisidan ay isang Pilipino mula sa Paete, Laguna na nagbigay karangalan sa ating bansa matapos niyang magwagi sa “28th Edition of the Internartional Ice Carving Competition” na ginanap sa Valloire, France. Mayroong higit sa 19 na mga indibwal mula sa iba’t-ibang bansa ang naglaban ngunit ang kaniyang likha na tinatawag niyang “Sitting” ang talaga naman nangibabaw. Nanalo siya dito ng “jury’s prize” at “public prize”.



Ayon sa kaniya ay sinabihan siya ng ilang mga hurado na dapat maging “transparent” ng kaniyang mga gawa, gusto din nila ng abstract habang siya naman ay nais niyang maging “realistic” ang kaniyang mga likha. Kung kaya naman lumikha siya ng isang tao ngunit ang katawan nito ay tila mga maliliit na “cube” at mayroong diretsong buhok. Hindi rin niya nakalimutang panatilihin ang pagiging “transparent” nito.

Mula pa noong 2012 nang magsimula si Rogel sa pagsali sa mga kompetisyon. Dagdag pa niya ay 14 na taong gulang pa lamang siya ay natutunan na niyang umukit sa yelo sa Paete, Laguna. Noong nakapagtapos na siya sa kolehiyo ay nakapagtrabaho siya bilang isang “sculptor” o “decorator” ng isang hotel sa Maynila. Nakalahok na rin siya sa ilan pang mga paligsahan at kompetisyon sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Mayroon din siyang mensahe sa mga kapwa niya “artist” na ipagpatuloy lamang ang kanilang pag-uukit sa kahit ano mang materyales na pwede nilang magamit. Si Rogel ay nagtatrabaho sa isang “shipping company” sa France at doon ay mas nalinang niya ang kaniyang interes at hilig sa pag-uukit ng yelo, kahoy, mga prutas, gulay, tsokolate, at polystyrene.



Tunay ngang kamangha-mangha ang talentong ito ni Rogel na talaga namang nakapagbigay ng karangalan hindi lamang sa maraming mga Pilipino sa buong mundo kundi sa ating mahal na bansang Pilipinas. Ito ay isang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino na mayroon ding natatanging talento na marapat lamang na linangin pa ito at maibahagi sa buong mundo ang talentong ibinahagi sa kanila ng Panginoong Diyos.





error: Content is protected !!