Nanay ng “quadruplets” matapang na sinagot ang pang-babash sa kaniya ng ilang mga netizens!



Alam naman natin na ang social media ay maraming mga benepisyo sa ating lahat lalo na sa mga pamilyang nagkakalayo dahil sa trabaho o sa iba pang mga personal na kadahilanan. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila mas dumarami pa ang negatibong epekto nito sa atin. Isa na nga marahil dito ang labis na panghuhusga sa mga tao depende sa kung ano lamang ang nakikita natin sa panglabas na anyo, hitsura, o sitwasyon nito.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ina na ito na nagsilang ng “quadruplets” na nagbahagi ng ilang mga larawan sa kaniyang social media account. Ang kaniyang ibinahaging mga larawan ay patungkol sa kaniyang “post-partum body”. Ngunit hindi nagtagal ay umani ng napakaraming panghuhusga at pangungutya ang mga larawan ito mula sa mga netizens. Ang tiyan ng ina ay punong-puno ng mga “stretch marks” na talaga namang pinagpyestahan ng publiko.


Ngunit hindi din naman nagpa-api ang nanay na ito sa mga mapanghusga at mapanglait na matang nakatitig sa kaniya. Siya ay nakilala bilang si Doreen Ching, isang Malaysian mom, 23 taong gulang at nagmamay-ari ng isang beauty shop. Siya ay nagsilang sa kaniyang apat na mga anak na sina Jensen, Jayden, Jasper, at Jazreel. Masayang masaya siya na mayroon siyang apat na malulusog at mababait na mga anak, ngunit sa kabila nito ay batid din niya ang magiging dulot nito sa kaniyang pisikal na katawan.


Nagbahagi siya ng larawan ng kaniyang tiyan na mayroong mga stretch marks at sinabing ang mga ito ay hindi na mawawala pa kailanman. Kahit pa nga maraming mga humanga sa kaniyang katapangan sa pagbabahagi ng kaniyang larawan ay mas marami din naman ang humusg at kumutya sa kaniya.


Kahit pa nga ganito ang nangyari ay talaga namang matapang niyang sinagot ang kaniyang mga bashers at pinaalalahanan na dapat sana ay mas magkaroon sila ng respeto sa mga kababaihan lalo na at mayroon din silang mga ina, asawa o kapatid na babae na katulad niya ay isa ring mabuti at mapagmahal na ina.






error: Content is protected !!