Isang magandang babae masipag na nagtatrabaho sa isang construction site, hinangaan ng publiko!



Aminin man natin o hindi pero sa panahon natin ngayon marami na ang nakakapansin na ang mga bagong henerasyon ng mga kabataan ay tila “spoiled” nang matatawag sa napakaraming mga pribileyo at mga bagay na nakukuha nila ng ganun ganun na lamang.



Marami sa ating mga kabataan ngayon ang tila hindi na nabibigyang halaga pa ang maginhawang buhay na kanilang nararanasan dahil na rin sa pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang. Nariyan na ang pag-aaral sa isang mamahalin at prestihiyosong paaralan.


Mayroong sapat at higit pang baon sa eskwela, cellphone, laptop, iPad, at kung anu-ano pang uri ng mga gadget. Tila nalilimutan ang ilan sa mga kabataan ngayon ang mga paghihirap at sakripisyong nararanasan ng kanilang mga magulang upang makabili ng ganitong uri ng mga gamit at maipasok sila sa isang magandang paaralan.


Ngunit kakaiba ang magandang babae na ito na nakilala bilang si Xiao Mei na talaga namang nagpupursige na kumita ng pera para sa kaniyang pinapangarap na bahay. Ayaw niya ding maging pabigat pa sa kaniyang mga magulang kung kaya naman nagtrabaho siya bilang isang manggagawa sa isang construction site.



Dahil sa pagnanais niyang makaipon ng salapi upang makamtan ang pangarap niyang tahanan ay hindi niya alintana ang pagtatrabaho bilang isang manggagawa sa isang construction site. Ang trabaho na ito ay hindi madali maging sa mga kalalakihan kung kaya naman labis na hinangaan ng marami ang magandang babae na ito.


Hindi niya nais na sumuko sa kaniyang pangarap at kahit pa nga siya ay isang babae ay hindi niya ito hinayaang maging hadlang upang malimitahan ang kaniyang sarili sa pagsubok ng mga trabahong nangangailangan ng pisikal na lakas o malaking pangangatawan. Umani ng maraming mga positibong komento at reaskyon mula sa publiko ang mga larawan ni Xiao Mei na talaga namang hinangaan ng maraming mga netizens dahil sa pambihirang determinasyon at pagsusumikap sa buhay. Hindi katulad ng maraming mga tao na mayroon mang malakas na pangangatawan ay mas pinipili pang hindi magtrabaho at manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan habang umaasa sa ibang tao.




error: Content is protected !!