Isang 190 milyong fossil ang natagpuan ng lalaking ito sa isang dalampasigan na talaga namang nagkakahalaga ng libo-libong dolyar!



Hindi lahat ay mayroong lakas ng loob at lakas ng pangangatawan upang mag-uwi ng isang malaking bato na mayroong timbang na 50 kilo. Kagaya na lamang ng lalaki na ito na nagngangalang Archie Faiers, na labis na nagalak nang malaman na ang inuwi niya pa lang malaking bato sa kanilang tahanan ay nagkakahalaga ng USD689 hanggang USD1,378. Katulad din ito ng madalas niyang mapanuod sa dokumentaryo ni David Attenborough sa BBC One.


Ang 21 taong gulang na si Archie kasama ang kaniyang alagang aso ay naglalakad nang matagpuan nila kakaibang hugis na bato na malapit sa Lyme Regis. Ang nasabing bato ay mas malaki pa sa isang “football” ngunit ang kakaibang hugis nito ang naging dahilan kung bakit niya inuwi ang malaking bato. Natagpuan niya ito hindi kalayuan sa mismong lugar kung saan natagpuan ng isang “professional fossil hunter” ang labi ng isang sea dragon o “large ichthyosaur.



“I knew we were close to the spot where the TV fossil was found. There had been an overnight cliff fall and I spotted a rounded rock on the beach and I knew that these rocks are the ones that could have a fossil inside.” Pahayag ni Archie.


Nagwagi na ng ilang karangalan sa ibang bansa si Archie sa kaniyang “masonry craftsmanship” kung kaya naman dinala niya sa kaniyang workshop ang natagpuan niyang bato. Kung kaya naman laking gulat niya nang makita niya ang 190 milyong taon “microderoceras birchi” na kadalasang matatagpuan sa Jurassic Coast. Ang fossil pala sa malaking bato na kaniyang natagpuan ay “cephalopods” na nadiskubre ni Alpheus Hyatt noong pang 1871 na parte pala ng ngayon ay “extinct” na, na kung tawagin ay “Ammonoidea”. Sino nga ba naman ang mag-aakalang makakatagpo siya ng 190 milyong taong gulang na bahagi ng ating kasaysayan.





error: Content is protected !!