Isang babae na nag-CPR sa isang lalaking binatikos ng maraming mga netizens dahil sa hindi nila ikinatuwa ang posisyon nito habang ginagawa ang CPR!



Isang babae ang nagbigay ng CPR sa isang lalaki na nasa bingit ng panganib. Ngunit sa halip na hangaan at pamarisan ay talaga namang umani ito ng napakaraming mga negatibong komento at reaksyon mula sa publiko. Ang mga kamag-anak ng pasyente at ilan pang mga medical staff sa pinangyarihan ng insidente ay nakiusap na tigilan na ng publiko ang pangbabatikos na ito sa babaeng tumulong at nagmalasakit sa lalaking nasa panganib.



Ang nagmagandang loob na babae ay nakilala bilang si Peeraya Saena na kilala din naman bilang si Nong Jaen. Siya ang 20 taong gulang na babaeng nakuhanan sa viral video na nagbibigay ng CPR sa isang lalaki na nasa panganib ang buhay. Wala nang pulso ang lalaking ito na talaga namang nagbigay ng tensyon sa publiko. Maraming mga netizens ang nagsabi na dapat sana ay hindi na ito pumatong pa sa ibabaw ng lalaki upang gawin ang CPR dahil sa alam naman niyang maiksi ang palda na kaniyang suot-suot.


Mayroon din namang nga netizens na humanga at pumuri sa ginawang ito ng babae na hindi na nagdalawang-isip pa na tulungan ang kawawang lalaki. Si Peeraya ay isang estudyante sa isang unibersidad at tinawagan lamang siya ng kaniyang kaibigan patungkol sa pangyayari kung kaya naman agaran siyang tumugon. Mayroon siyang first aid training at sapat na karanasan upang magbigay ng CPR sa isang taong nangangailangan nito. Bukod pa rito ay tatlong taon na siyang nagboboluntaryo sa Ruam Katanyu Foundation. Pahayag naman niya ay hindi na niya naisip pa ang hitsura ng kaniyang kasuotan ng mga panahong iyon.


Ang tanging mahalaga lamang sa kaniya ay ang maging mabuti ang kalagayan ng 60-anyos na lalaking nadamay sa nangyaring sunog. Siya ay nakilala bilang si Aran Inthirom na nag-seizure habang isinasalba ang ilan sa kaniyang mga ari-arian sa nangyaring sunog. Kung hindi dahil sa babaeng ito na nagmalasakit sa kaniya ay tiyak na mas malala pa ang magiging kapahamakan para sa matanda.





error: Content is protected !!