Ilan sa mga mahihirap na tao, hikahos man sa buhay ay mayroon pa ring mapagmahal at mapagmalasakit na puso para sa iba!



Marahil ay madalas nating nadidinig ang mga pangaral ng ating mga lolo at lola na nagsasabing kung sino pa yung mga tao na walang-wala talaga sa buhay ay sila pa yung mga tao na mas mapagbigay at mapagmalasakit sa iba. Ang mga ganitong uri ng tao ay maituturing na mahirap at kapos sa mga materyal na bagay sa araw-araw ngunit sila pa yung walang alinlangan na nagbibigay tulong sa kanilang kapwa kahit pa nga wala nang matira sa kanila. Hindi nila alintana ang mga kakulangan sa kanilang buhay ngunit mas nangingibabaw sa kanila ang pagbibigay at pagtulong sa iba.

Kagaya na lamang ng batang lalaki na ito na talaga namang napakaganda ng ngiti sa mga labi habang daladala ang kaniyang alagang aso sa kaniyang sirang bag. Isa ring halimbawa ang matandang lalaki na ito na wala mang sariling tahanan ay hindi nag-atubili na ilaan ang kaniyang kaisa-isang payong sa mga alagang aso upang hindi sila masilaw sa matinding sikat ng araw habang nakahiga sila at namamahinga sa lansangan.



Sadyang napakasarap ding pagmasdan ang matandang lalaki na ito na nagbigay ng yakap sa isang asong kalye na tila humihingi nito. Isang larawan din ng tinderong nagbibigay ng makakain sa isang may kapansanang aso ang kumurot sa puso ng marami. Maging ang isang lalaki na ito na wala mang sariling matutuluyan ay ibinigay pa rin ang kaniyang kaisa-isang kumot upang maginhawang makatulog ang kaniyang alagang aso.

Talaga namang kamangha-mangha rin ang lalaking ito na pinaglaanan ng komportableng tulugan, kumot, at makakain ang alaga niyang aso kahit pa nga sa bangketa lamang sila tumutuloy. Tunay ngang hindi mo kailangan ng karangyaan sa buhay o limpak limpak na salapi upang makatulong sa iba.



Sa pagmamalasakit at pagmamahal pa lamang sa ating kapwa ay talaga namang marami na tayong matutulungan hindi man tayo ipinanganak na mayaman.



error: Content is protected !!