Nabago ang kaniyang buhay dahil sa natagpuan niyang bagay sa loob ng lumang desk na ito na nabili niya sa isang subastahan!



Taong 2014 nang akalain ng lalaki na ito na maswerte siyang nakabili ng magandang muwebles para sa kaniyang tahanan. Hindi na napalampas pa ni Phil LeClerc ang pambihirang pagkakataon na bilhin ang isang “Governor Winthrop Secretary Desk” sa halagang $40! Napanalunan niya ito sa Holbrook auction house. At nang naiuwi niya na ito ay agad niya itong binusisi ng husto.



Sa kaniyang pagsusuri, hindi naman din ganoon kaperpekto ang nasabing desk dahil marami na rin ito halos gasgas, kulang din ng isa ang mga paa nito, at ang “ornamental finial” nito ay wala na din. Kalaunan ay ibinahagi ni Phil na natagpuan niya sa isa sa mga drawer nito ang “ornamental finial” na ikalawa sa pinakainteresentang nakita niya dito. Minsan pa ay inalog niya ang desk upang malaman kung mayroon pang natatagong bagay o di kaya naman ay sira ang kaniyang nabili, ngunit laking gulat niya na lamang nang makita ang puti na sobreng nalaglag mula dito.


Ang “Governor Winthrop Secretary Desk” ay naging popular sa marami dahil sa mga “secret compartment” nito. Marami itong mga sikretong lagayan na talaga namang hindi mo aakalaing taguan ng mga mahahalagang gamit ng una nang nagmay-ari nito. Sa katunayan ay may natagpuan din siyang salapi na nagkakahalaga ng $127,000 dito. Ayon pa sa kaniya, inalog niya ang desk sa pagbabakasakali na mayroong malalaglag na “knob” o di kaya naman ay “handle” na magawan pa niya ng paraang maayos. Hindi niya akalain na malalaglag ang puting sobre na mayroong laman na salapi.


Dahil na rin dito ay tinatawagan niya ang auction house upang makausap ang unang pamilya nagmay-ari ng desk. Hindi akalain ng pamilya na makikita pa nila ang matagal na matagal na panahon na nilang hinahanap.


Nakausap ni Phil ang anak ng may-ari ng nasabing desk at nalaman niyang nagbebenta talaga sila ng ari-arian upang matugunan ang mga gastusin sa pagpapagamot ng kaniyang ama na 94 taong gulang na. Ibinalik ni Phil ang pera sa pamilya at sinabing hindi siya nagsisisi kahit isang segundo na ginawa niya ito.






error: Content is protected !!