Sumayaw ang mister na ito sa harapan ng kaniyang misis na nagle-labor upang kahit papano ay mapangiti niya ito!



Isang mapagmahal na mister mula sa Tsina ang gumawa ng paraan upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit at hirap na nararamdaman ng kaniyang misis na nagle-labor, kung kaya naman sumayaw siya sa harapan nito upang kahit papaano ay mapangiti man lamang ang kaniyang asawa. Ang mag-asawa na ito ay mula sa Hainan, China. Isinugod sa ospital ng mister ang kaniyang misis noong ika-27 araw ng Hunyo bandang alas-3 ng umaga dahil sa pagle-labor nito.



Unang beses na manganganak ng kaniyang misis kung kaya naman hindi maiiwasang kabahan at mag-alala ng mag-asawa para sa kaligtasan ng kanilang anak at nang misis. Nakilala naman ang mister bilang si Wang na talaga namang alalang-alala sa kaniyang misis. Kasama ng kaniyang misis si Wang sa loob ng labor room at humiling sa mga doktor na bigyan ng “epidural anesthesia” ang kaniyang asawa upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.


Dahil dito ay hindi na nagdalawang isip pa si Wang na isa rin pa lang dance instructor na sayawan ang kaniyang mahal na asawa. Matapos sabihin ni Wang na panuorin siya ng kaniyang asawa sa pagsayaw ay agad na itong nagsayaw sa kaniyang harapan at talaga namang labis na natuwa ang kaniyang misis.


Dahil sa nakakamangha at nakakatuwang sayaw ng mister ay talaga namang natuwa ng husto ang misis na kahit papaano ay nakapagpawi ng hirap at sakit na kaniyang dinaranas ng mga panahong iyon.


Bukod sa kaniyang misis ay napabilib niya din ang ilang mga hospital staff na naroroon sa loob ng labor room. Kung kaya naman nirecord nila ang kaniyang sayaw at inupload sa social media. Agad agad naman itong nag-viral at umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko! Marami ang humanga at talaga namang napabilib ng mapagmahal na mister at tatay na ito na handang gawin ang lahat para sa kaniyang mag-ina.






error: Content is protected !!