Pulubing ama at anak nito na nag-viral dahil sa pagbebenta noon ng mga ballpen, ibang-iba na ang naging buhay ngayon!



Maraming mga puso ang naantig at mga matang lumuha dahil sa mag-ama na ito na namataang naglalako ng mga ballpen sa lansangan. Umiiyak pa nga ang ama dahil sa hirap na kanilang dinaranas kasama ang kaniyang musmos na anak. Marahil ay dahil na rin sa gutom na kanilang nadarama ng mga panahong iyong kung kaya naman hindi na napigilan pa ng ama ang maiyak sa kanilang kalagayan.



Ang ama na ito ay nakilala bilang si Abdul Halim al-Attar. Siya ay isang Syrian refugee na nakatira sa Lebanon. Kumalat sa social media ang kaniyang mga larawan kasama ang kaniyang anak na naging dahilan din naman upang matupad ang kaniyang pangarap para sa kaniyang pamilya at mga anak.


Ayon sa ilang mga ulat ay maraming nagmagandang loob sa mag-ama isa na rito ang IndieGoGo na diumano ay nagbigay sa kanila ng $191,000 o halos 10 milyong piso! Ang tulong na ito ay buong puso namang tinanggap ni Al-Attar. Ang halaga na ito ay naging $168,000 na lamang dahil sa binawasan na ito ng processing fees at bank fees.


Hindi naman niya sinayang ang panibagong pagkakataon na ibinigay sa kanila dahil sa agad siyang nagpundar ng maayos na matutuluyan nilang mag-ama at isang negosyo na panaderya na matagal na panahon na rin niyang pangarap. Naging maayos at matagumpay ang kaniyang negosyo kung kaya naman nagpasok pa siya ng 16 na kapwa niya mga refugees upang maging kaakibat niya sa kaniyang negosyo. Masasarap na tinapay at shawarma ang kanilang ibinebenta na talaga namang tinatangkilik ng marami.


Dahil sa tagumpay na kaniyang tinatamasa sa ngayon ay naipagpatuloy na rin niya ang pag-aaral ng kaniyang mga anak na halos tatlong taon din nahinto sa kanilang pag-aaral. Tunay ngang dahil sa kaniyang pagsusumikap, pagtulong sa kapwa at pagmamahal sa pamilya ang naging dahilan niya upang bumangon muli at magsimula ng panibagong buhay.






error: Content is protected !!