Robin at Mariel Padilla pinarenovate ng husto ang kanilang mansyon para sa kanilang mga anak!



Si Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo o mas kilala ng publiko bilang si Mariel Rodriguez-Padilla ay 35 taong gulang na commercial model, endorser, television host, VJ at aktres. Sa edad na 15 taong gulang ay nagsimula siya sa industriya ng show business bilang modelo sa mga commercials at advertisements, katulad na lamang ng “Clean & Clear”.



Naging isa din siya sa mga Kapuso stars noon at naging regular na host ng Extra Challenge. Naging parte din siya ng programang “Love to Love”. Matapos nito ay lumipat siya sa Kapamilyia network at naging isa sa mga host ng Pinoy Big Brother, Wowowee at marami pang iba.


Isang American citizen si Mariel at ikinasal siya sa beteranong aktor na si Robin Padilla sa Taj Mahal sa Agra, India noong Agosto 19, 2010. Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang pagpapaayos nilang mag-asawa ng kanilang mansyon para sa kanilang anak na sina Isabella at si Gabriella. Talaga namang mamamangha ka sa kanilang tahana na animo ay isang napakalaking playground para sa mga bata, maaari ka pa ngang magbangka sa loob mismo ng kanilang tahana na aakalain mong ikaw ay nasa isang sikat na resort!


Maging ang kanilang “corridor” ay punong-puno rin ng mga foam mats para sa kaligtasan ng mga bata. Namumutiktik din sa mga laruan ang kanilang tahanan kung kaya naman siguradong masisiyahan ang kanilang mga anak sa ginawang ito ng mag-asawa. Labis labis naman ang pasasalamat ni Mariel sa kaniyang mister na sobra sobra ang suporta sa kaniya at pagmamahal sa kanilang pamilya.



Hindi rin naman nakakaligtaan ni Mariel na magbahagi ng mga video at larawan ng kaniyang masayang pamilya sa kaniyang sariling social media account na talaga namang inaabangan ng kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay. Tiyak na mas magiging masaya pa ang kanilang pamilya dahil sa malapit na nilang makasama si Baby Gabriella na malapit na malapit nang isilang ng It’s Showtime host na si Mariel.




error: Content is protected !!