67-anyos na negosyante ibinunyag ang kaniyang dahilan kung bakit siya nagpakasal sa 30 anyos na babaeng ito sa kabila ng pangakong hindi na siya magpapakasal kailanman!



Matapos ang hindi magandang karanasan ni Steve Zielinski sa kaniyang magulong diborsyo sa kaniyang dating asawa sa loob ng 11 taon ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na hinding hindi na siya magpapakasal pang muli! Siya ay 67 taong gulang na retiradong investor at mayroon siyang dalawang mga anak. Kilala din siya ng marami bilang “King of Topless Barmaid Industry” sa Perth, Australia. Ang legal fees na kaniyang binayaran para sa mahabang proseso ng kaniyang diborsyo ay umabot ng $1.2 million!



Ngunit hindi niya akalain na ang kaniyang pangako sa sarili ay hindi niya na matutupad pa mula ng makilala niya si Emili walong taon na ang nakalilipas. Nang mga panahon na iyon ay 59-anyos na siya habang 22-anyos pa lamang si Emily. Nang magkakilala sila ay wala naman talagang balak si Steve na pumasok sa isang panibagong relasyon matapos ang pagiging maayos ng kaniyang naging diborsyo sa dating misis.


Ayon pa sa kaniya ay mag-60 taong gulang na siya ng mga panahon na nagkakilala sila ni Emily kung kaya naman alam niyang hindi na ito magkakaroon pa ng interes sa kaniya. Ngunit kalaunan ay naging magkaibigan ang dalawa at nauwi na nga sa matamis na pagtitinginan ang kanilang relasyon. Hindi naging madali para sa kanila ang kanilang pag-iibigan ngunit naniniwala si Steve na talaga namang totoong tao at napakabuti ng kaniyang kasintahan.


Dagdag pa nito ay hindi pera ang habol sa kaniya ni Emily at hindi rin ito “gold digger”. Pahayag pa ni Steve, si Emily ay klase ng isang babae na bibili sa isang online shopping store ng sarili niyang gamit, isusuot ito ng dalawang taon at susulitin niya talaga ang paggamit nito higit pa halaga ng sa pera na ipinambili niya rito.



Ang dalawa ay ikinasal sa Margaret River’s Secrer Garden noong nakaraang buwan. Pagbabahagi pa ni Steve, marami sa kaniyang mga kaibigan ang hanggang sa ngayon ay mag-isa pa rin sa buhay dahil maling mga tao ang kanilang nakikilala at napapangasawa. Kadalasan ay sa mga mamahaling sasakyan lamang ng mga ito nakatingin ang karamihan sa mga babae na kanilang nagiging karelasyon.



Si Emily ay isang personal trainer at mayroon din siyang blog na “The Herbivore Chef”. Para sa kaniya, hindi malaking usapin ang pagkakaroon nila ng malaking agwat sa edad ng mister niyang si Steve dahil sa talaga namang napakasaya niya pag magkasama silang dalawa.




error: Content is protected !!