Unico Hijo ni Robin Padilla ikinasal na sa Australia sa edad na 18 taong gulang!



Ikinagulat ng marami ang pagpapakasal ng kaisa-isang anak na lalaki ng mahusay na aktor na si Robin Padilla. Siya ay si Ali Padilla na anak nito kay Liezl Sicangco. Pinakasalan niya ang kaniyang nobya na si Hannah sa edad na 18-anyos. Ang kanilang “intimate wedding ceremony” ay naganap sa isang beach sa Queensland, Australia nito lamang ika-17 ng Nobyembre.



Kahit pa nga lumagay na si Ali sa tahimik sa murang edad pa lamang ay masayang-masaya naman ang kaniyang ama na si Robin dahil sa edad na 18-anyos ay natagpuan na niya ang makakasama niya sa buhay.
“I’m happy my son, you have found your love that can bring you more closer to the one and only Creator. Fortunately, you found your true love in such young age with this good fortune comes raging enthusiasm which you must temper with patience for nothing happens overnight in our youth,” ito ang bahagi ng mensahe ni Robin sa kaniyang anak na ipinost nito sa kaniyang social media account.

Mayroon ding mensahe ang panganay na anak n aktor at ni Liezl na si Queenie para sa kaniyang nakababatang kapatid. Bagamat hindi ito nakadalo sa napakahalagang pagdiriwang na ito ay nagpabatid pa rin siya ng mensahe sa kaniyang kapatid na batid niyang magiging isang napakabuting asawa para kay Hannah.


“To my one and only baby brother, it breaks my heart that I couldn’t be there for you on your big day! … I’m proud of the gentleman that you’ve become and I wish you both a lifetime of love and happiness. I love you and I miss you terribly,” pahayag ni Queenie.


Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o mas kilala bilang si Robin Padilla ay 49 na taong gulang na aktor, screenwriter, producer at direktor. Siya ay kilala rin bilang “Bad Boy” ng pelikulang Pilipino dahil sa mga natatangi nitong pagganap sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon.




error: Content is protected !!