Mga ari-arian at mansyon ni Charice Pempengco o mas kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus ubos na mga ba?



Madalas na nating naririnig sa mga sikat na personalidad at artista sa ngayon na ang tinatamasa nilang karangyaan at kasikatan ay hindi pang habang panahon. Sa ngayon, maaaring sila ang pinakamayaman at pinakakilalang artista ngunit hindi natin masasabi kung kailan darating ang panahon na para sa ibang mga karapat-dapat ding tao upang maranasan din naman ang tinatamasa nilang kasagaan at tagumpay. Kung kaya naman kapag ang isang artista ay hindi naging matalino sa kaniyang paghawak at paggasta ng kaniyang pinaghirapang pera ay tiyak na magdudulot ito ng isang mabigat na problema.



Marami sa atin ang naging saksi ng naging matagumpay na karera ng isang Charice Pempengco na maging ilan sa mga kilalang personalidad sa buong mundo ay talaga namang manghang-mangha sa kaniya. Siya ay 27 taong gulang na mang-aawit na talaga namang nagbigay ng karangalan sa ating bansa. Hinangaan siya ng maraming mga Pilipino at nang iba pang mga lahi dahil sa kaniyang natatanging talento at sa pagiging bahagi niya sa ilang mga kilalang programa at indibidwal sa buong mundo.


Ngunit kamakailan lamang ay talaga namang nagulat ang publiko sa usap-usapang ubos na nga ang mga ari-arian na naipundar ng singer maging ang kaniyang mansyon. Ito ay matapos ibunyag ng kaniyang lola na si lola Thess Pineda sa isa sa mga panayam sa kaniya na halos lahat ng mga naipundar ng kaniyang apo noon at maging ang mga negosyo nito ay unti-unti na ngang nauubos. Ang mga pinaghirapan at pinagpaguran nito ay unti-unti nang nawawala mula nang napagdesisyunan niyang maging si Jake Zyrus. Ayon pa kay lola Thess naibenta na ng kaniyang apo ang pagmamay-ari nitong mansyon, ang condo nito sa Laguna, mga apartment sa Cabuyao at maging sa Estados Unidos at ang ilang negosyo nito sa Amerika.


Nakakalungkot mang isipin ngunit wala talagang permanente sa mundong ito. Kung kaya naman madalas tayong pinapayuhan ng ating mga magulang na ugaliin nating magpasalamat sa mga bagay na mayroon tayo dahil hindi habang panahon ay nasa mga palad natin ang mga ito.





error: Content is protected !!