Babae na nagnakaw sa isang grocery store aakalain mong si “Doraemon” dahil sa dami ng nakulimbat!



Sa panahon ngayon napakarami na talagang mga bagay ang nagaganap sa ating komunidad. Mayroong mga bagay na talaga namang maganda ang mga benepisyo para sa ating lahat ngunit madalas ay marami ding mga hindi magandang kaganapan na talaga namang nakakalungkot lalo na ang mga krimen at mga katiwalian na laganap na ngayon saan man sa bansa.



Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pagsakote ng mga otoridad sa isang babaeng kawatan na ito na aakalain mong si “Doraemon” na isang cartoon character na nakilala dahil sa mahiwagang bulsa nito na punong-puno ng napakaraming mga kagamitan. Ang viral video na ito ay ibinahagi sa social media ni Brandon Aguila Delin sa Facebook.


Ayon sa kaniya nalagpasan pa ng babae ang mahiwagang bulsa ni Doraemon. Kung hindi nga naman nahuli ang kawatan na ito ay tiyak na kawawa ang mga empleyadong magbabayad ng mga grocery items na kaniyang napagkasya sa kaniyang damit. Binigyan din niyang linaw na ang nasabing video ay hindi mismo galing sa kaniya kundi nakita lamang niya sa ibang post.


Talaga namang nabigla ang marami dahil sa halos isang basket na ang nakuhang grocery items sa babaeng kawatan. Sino ba naman ang mag-aakala na magkakasya sa suot suot nitong damit ang malalaking shampoo, malaking bag ng gatas , at ilang mga de latang pagkain. Wala nang nagawa pa ang babae nang kapkapan siya ng lady guard at makuha mula sa kaniya ang napakaraming mga grocery items na ito.


Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 49,000 na mga reactions at higit sa 139,000 na mga shares ang viral video. Tunay ngang sa mga panahon ngayon ay mas dapat maging alerto ang bawat isa sa atin. Hindi natin alam kung kailan tayo mabibiktima ng mga kawatang ito. Mas mainam nang tayo ay laging handa kaysa naman magsisi tayo sa huli.






error: Content is protected !!