Philmar Alipayo, masayang-masaya sa pagdating ng anak nila ni Andi Eigenmann na si Lilo!



Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam maging isang magulang. Ang pagkakaroon ng mga anak ay talaga namang napakagandanf biyaya mula sa Maykapal. Isa ito sa mga bagay na hindi matutumbusan ng kahit ano mang bagay sa mundo. Kung kaya naman hindi na kataka-kataka na marami sa ating mga mahal na magulang ang nagsusumikap na ibigay sa atin ang lahat ng ating mga pangangailangan at mga bagay na ating tinatamasa sa ngayon.


Isa na marahil sa mga masasayang magulang sa ngayon ay ang nobyo ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo. Siya ay isang propesyonal na surfer. Talaga namang mababakas mo sa kaniyang mga mata ang ligayang dulot ng munting sanggol nila ng aktres na si Andi. Taong 2019 nang isinilang ni Andi ang kanilang sanggol. Ito ang panganay na anak nila ni Philmar at ikalawa naman niyang anak na babae. Anak niya si Ellie sa kaniyang dating nobyo na si Jake Ejercito.




Madalas na nagbabahagi ng mga magagandang larawan nilang pamilya si Philmar sa kaniyang social media account at syempre hindi rin niya nakakalimutang magbahagi ng mga larawan nila ng anak na si Baby Lilo. “Proud Dad” si Philmar sa kaniyang anak na madalas ay karga karga niya sa habang sila ay nagpapa-araw. Marami din ang humahanga sa pamilya na ito dahil sa naninirahan sila ngayon ng simple sa probinsiya kasama ang kanilang mga anak at talaga namang naeenjoy nila ang mga araw na sila ay magkakasama.




Hindi lahat tayo ay mayroong mga magulang na talaga namang mag-aalaga at kakalinga sa atin sa araw-araw. Kung kaya naman napakapalad talaga ng kanilang mga anak dahil sa mayroon silang mga magulang katulad ni Andi at Philmar. Hindi man perperkto ang mga magulang sa kanilang mga anak ay ginagawa pa rin nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang mga anak at para sa kaayusan ng kanilang pamilya.






error: Content is protected !!