Categories: NewsShowbizViral

Sharon Cuneta ibinahagi ang mga pamamaraan na kaniyang ginagawa sa maayos na pagtrato sa kaniyang mga kasambahay!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 53 taong gulang na mang-aawit, aktres, talk show host, commercial ad endorser at isang reality show judge. Kamakailan lamang ay nagbahagi siya sa kaniyang social media account kung paano mga ba niya tinatrato ang kaniyang mga kasambahay. Ito ay matapos magkomento ng isang netizen sa kaniyang post kung saan tinawag niyang “Yaya” ang kaniyang mga kasambahay habang nagbahagi siya ng mga larawan nila habang kumakain sa isang restaurant.

Ayon kay Sharon ay tila mali yata ang pagkakaintindi ng netizen sa ginawang pagpapakilala at pagpupugay ng Megastar sa kanilang mga kasambahay. Pagbabahagi niya sa comment section ng kaniyang post ay maganda ang pagtrato niya sa kaniyang mga kasambahay at pamilya na ang turing ng kaniyang pamilya sa mga ito. Sa katunayan nga ay palaging kasama pa nila ang mga ito sa tuwing mangingibang-bansa silang pamilya.


Ilan na sa mga bansa na napuntahan ng kaniyang mga kasambahay ay ang Hong Kong, Bangkok, Chiang Mai, Thailand, Ho Chi Minh sa Vietnam, Tokyo, Osaka, Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, New York, Boston, Washington D.C., Florida, Paris, London, Milan, Rome, Florence, Vienna, Zurich at iba pang mga lugar.

Bukod pa rito ay hinahayaan niya ang mga ito na isuot ang nais nilang mga damit at bilhin ang kahit anong gustuhin nila mula sa personal na allowance na ibinibigay nila sa bawat isa. Bukod pa rito ay kumakain din sila sa mga mamahaling restaurants at nanunuod ng mga Broadway shows ang kaniyang mga kasambahay.

Tunay nga na hinangaan ng husto ng maraming mga netizens ang pagtrato ni Megastar sa kaniyang mga kasambahay. Ito ay maliit na pagbabalik lamang ng pag-aalaga at pagmamahal ng kaniyang mga kasambahay sa kaniyang pamilya ayon sa beteranang mang-aawit. Tunay nga na napakapalad ng mga kasambahay na ito dahil sa mayroon silang mabait at mapagbigay na amo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago