Categories: NewsShowbizViral

Andi Eigenmann at Jake Ejercito ipinagdiwang ang ika-walong taong kaarawan ng kanilang anak na si Ellie nang magkasama!

Walang ibang iniisip ang ating mga magulang kundi ang ating kapakanan at ang ikauunlad ng ating kinabukasan. Wala nang makahihigit pa sa sakripisyo at pagmamahal nila para sa atin.

Madalas din naman na nais nilang maibigay sa atin ang lahat lahat ng bagay na nais natin sa araw-araw kahit pa nga wala silang kakayanang maibigay sa atin ang lahat ng gustuhin natin ay talagang makikita natin sila ng determinasyon at pagpupursige na maibigay sa atin anuman ang ating naisin.


Maging ang lahat ng kanilang oras at atensyon ay palagian na ding nasa atin at madalas ay nakakalimutan na din nila maging ang kanilang mga sarili. Sa mga mahahalagang araw ng kanilang mga anak ay hindi rin naman sila papahuli kahit gaano pa sila kapagod o kapuyat.

Tulad na lamang ng mga magulang ni Ellie na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Nagdiwang si Ellie ng ika-walo niyang kaarawan noong Nobyembre 23 kasama ang kaniyang mga magulang kahit pa nga alam naman ng marami na mayroon nang kani-kaniyang buhay ang mga ito ay nanatili pa rin sila bilang mabuting magulang ng kanilang anak.

Bakas na bakas naman sa mukha ni Ellie ang labis na kagalakan nito dahil sa kumpleto ang kaniyang pamilya kasama pa ang kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Baby Lilo. Umani naman ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang kanilang mga larawan. Halos lahat sila ay masayang masaya na makitang muli na magkasama sina Andi at Jake kasama ang kanilang panganay.

Mayroong mga netizens na tila nanghihinayang pa sa hindi pagkakatuluyan ng dalawa ngunit gayunpaman ay naging masaya na rin ang mga ito sa kanilang dalawa. Si Andrea Nicole “Andi” Guck Eigenmann ay 29 na taong gulang na aktres at modelo. Siya ay anak ng namayapang beteranong aktor na si Mark Gil at mahusay na aktres na si Jaclyn Jose.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago