Isang “Japanese airport luggage handler” labis na hinangaan ng publiko dahil sa paraan nito ng paghahawak sa mga bagahe sa isang paliparan!



Marami sa atin ang mahilig magbiyahe at mamasyal kasama ng ating mga mahal sa buhay. Higit pa sa mga magagandang tanawin at kamangha-manghang pasyalan ay ang pambihirang pagkakataon na makasama at makabonding natin sila.



Ngunit hindi lahat ng ating mga biyahe ay maituturing na “smooth na smooth” o walang aberyang nagaganap. Dahil sa aminin man natin o hindi ay marami talagang mga bagay ang maaari nating maranasan sa paliparan pa lamang. Kagaya na lamang ng naging malaking kontrobersiya ng mga airport staff na walang pakundangan na nagbabalibag ng mga bagahe ng kanilang mga customers.

Naging kaisapan na ng maraming mga biyahero at mga turista saan mang panig ng mundo na halos lahat na ng mga paliparan na kanilang napuntahan ay hindi naman talaga iningatan ng husto ang kanilang mga bagahe at iba pang mga kagamitan kahit pa nga mayroon itong nakalagay na “fragile”.


Ang mga usaping ito ay dahil na rin sa mga viral video na naging laganap sa social media kung saan makikita ang mga airport staff na walang pakundangang ibinabato ang mga bagahe sa “baggage carousel” na nagdudulot ng pagkasira ng maleta o di kaya naman ay mga laman nito sa loob.

Ngunit sinisigurado ng mga Japanese airlines na talaga namang maiingatan ng husto ng kanilang mga airport staff ang mga gamit ng kanilang mga customers. Hindi binabalibag o hinahagis ng mga staff ang mga bagahe bagkus ay napakaingat at maayos nila itong iniisa-isa. Isang 20-minuto na video ang naging viral online dahil sa ang babaeng airport staff na makikitang pinupunasan ng marahan ng puting tela ang mga bagahe na dumaraan sa baggage carousel at makikitang binubusisi muna nito ang mga bagahe bago niya ito galawin.


Talaga namang naging kamangha-mangha ang ginawang ito ng airport staff at naging usap-usapan ito sa iba’t-ibang social media platforms. Tunay nga na ang pagmamahal sa trabaho ay isa sa mga bagay na dapat na matutunan ng bawat isa sa atin lalo na sa mga panahon ngayon na hindi madali ang makahanap ng desente at magandang trabaho.






error: Content is protected !!