Matteo Guidicelli pinag-ipunan ang engagement ring para sa nobyang si Sarah Geronimo mula pa noong 2014!



Ibinunyag ng dating road manager ni Matteo Guidicelli na noon pang taong 2014 nang simulang pag-ipunan ng aktor ang engagement ring na ibigay nito sa sikat na mang-aawit. Saad pa nito ay talaga namang “in love na in love” na ang aktor sa kaniyang nobya noon pa man upang pag-ipunan at bilhan niya ito ng napakagandang engagement ring.



Tila siguradong-sigurado na ang aktor sa kaniyang hinaharap kasama si Sarah. Kahit pa nga halos kakaisang taon pa lamang mula nang sila ay maging magkarelasyon, para kay Matteo ay si Sarah na ang kaniyang “The One”.


Sa social media ay nagbagi ng ilang larawan ang dating road manager ni Matteo na si Jerry Telan na talaga namang umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko. Binati nito ang kaibigan sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Sarah at sinabing ang kaniyang pagtitiyaga ay limang taon na.


Labis din namang ikinagalak ng mga tagahanga at tagasuporta ng AshMatt ang isang nakakatuwang bagay na ibinahagi ni Jerry sa kanila. Ayon pa kay Jerry kinausap siya noon ni Matteo sa isang mall show nila sa Bohol taong 2014 na kailangan niya ang marami pang trabaho upang mabilhan na niya ng engagement ring ang nobya. At ang iba pang mga pangyayari ay bahagi na ng kasaysayan dagdag pa niya. Sumagot naman ang aktor ay sinabing “Good times bro!!”


Mula pa noong 2013 ay naging pribado na ang magkasintahan sa kanilang relasyon hanggang kinumpirma na ito ni Sarah noong Hunyo 2014. Makalipas ang anim na taon ng pagiging magnobyo at magnobya ay ibinahagi na nila sa publiko ang kanilang engagement noong ika-7 ng Nobyembre na talaga namang naging malaking sorpresa para sa publiko at sa malalapit nilang kamag-anak at mga kaibigan.



Habang tahimik at nanatiling pribado ang magkasintahan sa nalalapit nilang kasal ay binunyag naman ng nakababatang kapatid ni Matteo na isang taon na silang engaged. Kasunod ng pagpapahayag ng celebrity couple ng kanilang nalalapit na kasalan ay ang mensahe ng aktor para sa mga magulang at pamilya ni Sarah at ang pagpapahayag nito kung gaano niya kamahal ang singer.




error: Content is protected !!