Bata na nakuhanan ng video sa bintana ng isang mataas na gusali ikinabahala ng publiko!



Isa sa mga pangunahing responsibilidad ng mg magulang ay siguraduhing ligtas, masaya at komportable ang kanilang mga anak. Kung kaya naman nagsusumikap sila na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak.



Hindi alintana ang hirap, pagod, at puyat sa trabaho kumita lamang ng sapat na pera para sa pamilya at para sa mga anak. Ngunit gaano ng aba tayo kasigurado bilang mga magulang na habang tayo ay nasa ating mga opisina o di kaya naman ay namamahinga mula sa nakakapagod nating araw ay ligtas ang ating mga anak sa loob o labas man ng ating tahanan?


Kamakailan lamang ay mayroong isang video ng batang paslit na talaga namang naging usap-usapan at nagpakaba ng husto sa napakaraming mga netizens. Sa nasabing viral video at makikita ang bata na tila naglalaro at nagpapabalik-balik nang walang katakot-takot sa isang binta na nasa mataas na palapag ng isang gusali.


Talaga namang makapigil hininga ang nasabing video dahil sa isang maling hakbang lamang ng bata ay tiyak na mapapahamak ito! Mapapansin na wala ring anumang harang ang bintana na kinaroroonan ng bata kung kaya naman ang mga netizen na nakapanuod ng viral video na ito ay nangamba hindi lamang para sa kaligtasan ng batang nasa video kundi para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga anak at mahal sa buhay.

 



Halos isang minuto din tumagal ang video ng uploader na nakilala bilang si Silvestre Mesquita. Nang mapansin siguro ng kasama ng bata sa bahay na wala ang paslit ay agad niya itong hinanap at namataan niya itong naglalaro sa delikadong bintana, ngunit agad naman niyang nakuha ang bata at nailigtas mula sa posibleng kapahamakan. Binigyang-diin naman ng uploader na dapat ay magsilbing leksyon ang video na ito sa mga magulang na mayroong mga maliit na anak na mas maging maingat sa lahat ng bagay at sitwasyon dahil sa hindi natin alam kung kailan darating ang panganib sa ating pamilya.

 




error: Content is protected !!