Kathryn Bernardo pinasilip sa publiko ang kaniyang Christmas sa kauna-unahang pagkakataon na talaga namang kinamanghaan ng marami!



Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo o mas kilala ng publiko bilang si Kathryn Bernardo ay 23 taong gulang na aktres na nakilala dahil sa mahusay niyang pagganap bilanng si “Mara” sa teleseryeng “Mara Clara”. Siya rin ang kauna-unahang Pilipina na nagkaroon ng dalawang mga pelikula na kumita ng higit sa 800 milyong piso! Una na rito ang pelikula niyang “The Hows of Us” noong taong 2018 at ang “Hello, Love, Goodbye” nito lamang 2019. Hawak nila ngayon ang titulong “Highest-grossing Filipino Film of All Time” dahil sa huli nilang pelikula.



Naging highest-grossing Filipino Film din ang “Hello, Love, Goodbye” sa Middle East, Australia, at North America. Ang pelikula din nilang ito ang nakabasag sa lahat ng “Box Office Records” ng mga pelikulang Pilipino. Kilala din siya bilang “Phenomenal Box Office Queen” kasama ang kaniyang on-screen partner at nobyo na si Daniel Padilla sa pelikula nilang “The Hows of Us”. Pinarangalan din ang aktres ng “Box Office Queen” award para sa blockbuster movie nitong “Barcelona: A Love Untold” sa 48th Guillermo Mendoza Box Office Awards.


Kamakailan lamang ay labis na ikinagalak ng publiko lalo na ng kaniyang mga tagahanga ang pagbabahagi ng aktres ng ilang mga larawan ng kaniyang Christmas sa kauna-unahang pagkakataon. Halos higit sa 10.5 milyong tagasubaybay niya sa Instagram ang namangha sa napakaganda at napakalegante nitong dekorasyon sa kaniyang tahanan para sa pagsapit ng Kapaskuhan.


“Finally feeling the Christmas spirit inside our home! These polar bears are simply the cutest things to wake up to every morning! Thank you @gideonhermosa for making time despite your busy schedule. Everyone’s feeling merrier now!” Pagbabahagi ng aktres sa kaniyang Instagram.



Umani ng sari-saring reaksyon at komento mula sa kaniyang mga tagahanga ang napakagandang Christmas tree na ito ng aktres. Tunay nga na nanabik na ang lahat sa papalapit na araw ng Kapaskuhan, tiyak na mas marami pa tayong aabangan na mga pasabog mula sa mga paborito nating artista at personalidad kung paano nila ipagdiriwang ang Kapaskuhan kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!