Matandang lalaki na nabugbog dahil sa maling paratang na si Tatay Alex, tuloy ang kaso para kay alyas “Linda”!



Maraming mga Pilipino ang nakasaksi at nakasubaybay sa kwento ni Tatay Alex at ang sinapit nito dahil lamang sa maling pagpaparatang sa kaniya nang sumakay siya sa isang E-jeep. Si Tatay Alex ang matandang lalaki sa viral video na binugbog dahil diumano sa panghihipo nito o pangbabastos sa isang babaeng pasahero ng E-jeep.



Ilang lingo makalipas ang insidente ay nagbigay ng update ang programa ni Raffy Tulfo tungkol kay Tatay Alexander Gutal at san aka nitong si Christian Gutal. Sa ngayon ay napalago na ng pamilya ang kapital na ibinigay ni Tulfo sa kanila upang makapagpundar sila ng sarili nilang negosyo. Nakakabilib na sa loob lamang ng ilang linggo ay napalago nila ang kanilang puhunan ng dalawang beses na mataas mula sa orihinal nitong halaga.




Maaalalang sinaman din ni Tatay Alex ang tsuper ng nasabing E-jeep na si Jowell Espiritu sa kaso na isinampa niya kay Dimple Morcillo (alyas Linda) dahil sa pagsulsol nito na ipabugbog ang kawawang matanda. Aminadong nahabag si Tatay Alex sa sinapit ng tsuper dahil napag-alaman niyang pinatigil muna ito sa pamamasada ng kanilang kompanya dahil sa nakabinbing kaso nito sa korte.




Pinayuhan naman ni Tulfo ang matanda na marahil ay nasambit lamang ng tsuper ang mga ganoong salita noon dahil sa inakala nito na nabastos nga talaga ang isa sa mga pasahero niyang babae. Maaari ding hindi nakita ng tsuper ang lahat ng pangyayari dahil ang buong atensyon niya ay nasa kalsada at sa kaniyang pagmamaneho ng mga panahong iyon.





Bagamat binigyan niya ng pagkakataon o nakapagbitiw siya ng mga salita upang udyukan si alyas Linda noon ay hindi naman ito ang nanakit sa kaniya.

Kung kaya naman matapos niya itong pag-isipan ng mabuti, hindi na nagsampa pa ng kaso si Tatay Alex sa tsuper dahil sa naaawa ito sa kaniyang pamilya at sa tsuper mismo na walang perang pangsuporta para sa kaniyang pamilya. Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens at ni Tulfo ang pagtutuloy ng kaso ni Tatay Alex kay alyas Linda at sa pamilya nitong nanakit sa kaniya.




error: Content is protected !!