“Queen of Gold Diggers” itinakbo ang halos P24 na milyong pisong ipon ng Amerikanong nobyo na inilalaan nito para sa kanilang kinabukasan!



Hindi madalang makahanap ng taong magmamahal sayo ng tapat at walang hinihintay na kahit ano pa mang kapalit. Mayroong mga mapapalad na taong nakakatagpo ng ganito ngunit madalas ay nauuwi na lamang sa maling pag-asa at paghihintay.



Kung kaya naman kapag natagpuan na ninyo ang taong ito sa inyong buhay huwag niyo na itong palampasin pa at huwag nang sayangin pa ang pambihirang pagkakataon na pinapangarap ng marami sa atin. Tulad na lamang ng Pinay na ito na binansagan ng publiko bilang “Queen of Gold Diggers”.


Ang Pilipina na ito ay nakilala bilang si Adora Ramos, marami ang nagtataka kung paano niya naatim na lokohin ang lalaking ito na kung tutuusin ay “dream guy” nga kung tawagin ng maraming mga Pilipina sa ating bansa. Bukod sa gwapo, ay batang bata pa ito tingnan, mayaman at higit sa lahat ay mayroong pangarap sa buhay kung saan kasama ang kaniyang minamahal na si Adora. Si RJ Russel ang kawawang dayuhan na natangayan ng malaking halaga ng salapi ng kaniyang Pinay na nobya. Nakakalungkot talaga isipin na isang kababayan natin ang gagawa ng ganitong uri ng gawain na talaga namang nakakapang-galit hindi lamang para sa ating mga kapwa niya Pilipino ngunit higit sa lahat ay sa dayuhang kagaya ni RJ.


Ayon sa kwentong ibinahagi ni RJ sa programa ni Raffy Tulfo ay nagtungo sila dito upang humingi ng tulong kasama ang kaniyag kapatid na si Kevin Russel dahil sa itinakbong pera ng nobya nito. Dagdag pa niya, nagkakilala sila ni Adora noon nang nagtatrabaho ito sa Kuwait. Isang IT consultant si RJ doon ngunit kinailangan niyang magtrabaho sa Afghanistan. Hindi maaaring sumama sa kaniya ang kaniyang nobya kung kaya naman pinauwi na lamang niya ito sa Pinas at nangakong susuportahan ito at ang apat niyang mga anak sa dating asawa. Maging ang pera na pang-proseso ng kanilang annulment ay kay RJ din nagmula.


Sa apat na taon nilang relasyon ay nagbigay si RJ ng anim na milyong piso para makabili sila ng bukirin, sari-sari store at iba pang mapagkakakitaan. Tatlong milyong piso naman para sa kanilang bahay ngunit sa kasamaang palad ay nasunog ito na ang hinala ni RJ ay kagagawan din ng nobya.



Ngunit laking gulat na lamang niya isang araw na hindi pala bumili ng bukirin o ng kahit anong negosyo si Adora at maging ang bayarin para sa kanilang bahay ay hindi rin nito ibinayad! Sa halos $510,00 na naipadala niya sa nobyo o halos P25.8 milyong piso kahit singko ay wala nang natira pa sa kaniya!




error: Content is protected !!