Kinagigiliwan ngayon ng mga netizens ang viral video ng batang modelo na ito na nadapa sa runaway ngunit cute na cute pa ring rumampa pagkatapos!



Nag-viral ang batang modelo na ito mula sa isang fashion show sa Shanghai kung saan siya ay nadapa habang rumarampa. Ang apat na taong modelo ay nakilala bilang si Zhang Yaoyang na talaga namang kinabiliban ng maraming mga manunuod. Dalawang taon lamang siya noong una siyang sumabak sa pagmomodelo.



At ang pagkakadapa niyang ito ang kauna-unahan sa kaniyang karera bilang isang modelo. Sa nasabing viral video ay nakasuot siya ng brown na jacket at navy pants. Talaga namang kapansin-pansin ang kulot niyang buhok habang siya ay rumarampa sa nasabing event ngunit hindi niya akalain na matatamaan pala siya ng dalawang mga batang modelo na pabalik na at magkahawak pa rin ng mga kamay.


Ayon sa mga ulat, sinabihan ang dalawang mga batang modelo na maghawak ng kamay sa umpisa ng programa ngunit tila ba masyado silang naging masunurin at kahit pabalik na sila mula sa pagrampa ay hindi pa rin sila bumibitiw sa isa’t-isa. At nang magkasalubong na nga ang mga bata ay isa-isa silang tumumba at nadapa sa gitna mismo ng “runway” sa harapan ng napakaraming manunuod.


Ngunit ang nakakagulat sa pangyayari ay sa halip na umiyak ang mga bata tulad na lamang ng mga normal na bata ay nagtawanan pa ang mga ito at nagpatuloy sa kanilang pagrampa. Sa murang edad ay talaga namang kakakitaan mo na ng pagiging propesyonal ang mga batang ito.



Talaga namang nakuha ni Zhang Yaoyang ang kaniyang mga manunuod sa ganda ng kaniyang pagngiti at sa kaniyang nangungusap na mga mata. Kinabiliban at hinangaan ng husto ang batang ito ng publiko kung kaya naman hindi na nakapagtataka na nag-viral siya ngayon sa iba’t-ibang social media platforms. Dahil na rin sa nangyari ay mas marami pang mga tao ang humanga sa batang ito at mas lumaki pa ang bilang ng kaniyang mga followers sa “Weibo”, na katumbas ng Facebook sa marami sa atin. Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 12,000 followers at higit pa.




error: Content is protected !!