Lolo at lola na naninirahan sa sirang tent umantig sa puso ng publiko, diumano ay kinalimutan na sila ng kanilang mga anak!



Marahil ay madalas na nating naririniga ng mga katagang “Natitiis ng anak ang kanilang mga magulang ngunit hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang mga anak”. Tunay nga na kahit gaano pa kalala ang ugali ng mga anak ay hinding-hindi sila kayang tiisin ng kanilang mga mahal na magulang.



Nasa sinapupunan pa lamang ang mga anak ay talaga namang puspos na sila ng pagmamahal mula sa kanilang mga magulang. Hanggang sa dumating na ang araw ng kanilang kapanganakan, madalas mang pagod o di kaya naman ay puyat ay talaga namang hindi nila ito alintana basta mabigyan lamang ng kanilang mga pangangailangan ang kanilang mga anak.

Kung kaya naman maraming naantig ang puso sa sinapit ng matandang mag-asawa na ito mula sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan. Kapansin-pansin sa viral video na hindi na maayos ang pangangatawan ng mag-asawa dahil na rin sa kanilang edad ngunit ang mas mahirap pa dito ay ang kalagayan ng kanilang pamumuhay dahil sa tagpi-tagping tent na lamang sila nakatira. Isang Radio anchor na nakilala bilang si Archie Hilario ang nagbahagi ng nakakahabag na sitwasyon ng mag-asawa. Tunay nga na kitang-kita ang kasalatan ng kanilang pamumuhay at ang kanilang hinihigaan ay talaga namang pagsubok din sa araw-araw.




Ayon pa sa matandang babae, mayroon silang mga anak na babae sa Maynila ngunit wala na silang balita mula sa kanila at tila nakalimutan na nila na mayroon pa silang mga magulang. Tanging ang anak nilang lalaki ang sumusuporta sa kanila. Ngunit dahil mayroon na rin itong sarili niyang pamilya ay hindi na nila ito inoobliga pang magbigay sa kanila kung kapos din ito. Sa mga ganitong panahon ay nagtitiis na lamang ang mag-asawa na hindi kumain.


Dagdag pa ng matandang mag-asawa, hindi naman sila galit sa kanilang mga anak bagkus ay nais lamang nilang makabalita sa kanilang mga anak at kahit liham lamang ay masaya na silang mag-asawa.




error: Content is protected !!