Sampung taong gulang na batang ulila nagtatanim ng gulay upang masuportahan ang sarili matapos mawala ang buo niyang pamilya!



Isang sampung taong gulang na lalaki ang natagpuan ng mga lokal na opisyal sa kanilang tahanan na mag-isang namumuhay matapos na mawala ang kaniyang mga mahal sa buhay. Siya ay nagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran upang mayroon siyang maipangsuporta sa kaniyang sarili.



Ang nakakabilib na batang ito ay umani ng papuri mula sa kaniyang mga guro at maging sa maraming mga netizens dahil sa nakaya niyang mabuhay at masuportahan ang kaniyang sarili kahit mag-isa na lamang siya. Dahil sa bigat ng kaniyang pinagdaraanan ay nakakamangha ang lakas ng loob ng batang ito na magsumikap at mas magpatuloy pa sa buhay.



Ang bata ay nakilala bilang si Dang Van Khuyen na naninirahan sa isang maliit na komunidad kasama ang kaniyang lola. Magkasama silang nagtatanim ng mga gulay at iba pang mga produkto sa bukid para sa kanilang pangkain araw-araw.



Ayon sa ilang mga ulat, yumao ang kaniyang ina noong sanggol pa lamang ito habang ang kaniyang ama naman ay nasa malayong lugar at nagtatrabaho. Sa mahabang panahon ay nasanay siyang kasakasama ang kaniyang lola sa maghapon. Ngunit hindi rin nagtagal ay pumanaw na din ang kaniyang mahal na lola dahil na rin sa katandaan. Kung kaya naman siya na lamang ang naiwan sa kanilang tahanan at siya ring namamahala sa maliit nilang bukirin.


Maaari sanang magbitiw na lamang sa kaniyang trabaho ang kaniyang ama at manirahan na lamang silang magkasama sa kanilang tahanan at palaguin pa ang maliit nilang bukirin ngunit sa kasamaang-palad ay naaksidente naman ang ama nito at binawian din ng buhay.



Buti na lamang at nagmagandang loob ang kaniyang guro upang tulungan ang kawawang bata. Nag-leave ang guro sa kaniyang pagtuturo at kinailangan din niyang maglabas ng 10 million dong ($450) upang makuha ang labi ng kaniyang ama at madala sa kanilang tahanan sa huling sandal.

Nais ding tulungan ng guro si Dang upang magkaroon ng mga bagong mga magulang at pamilya ngunit ayaw nitong magpa-ampon at diumano ay sanay naman na itong mag-isa at kayang-kaya na niya ang kaniyang sarili sa kabila ng kaniyang murang edad.





error: Content is protected !!