Vhong Navarro ikakasal na sa longtime girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista!



Si Ferdinand Hipolito Navarro o mas kilala ng publiko bilang si Vhong Navarro ay 42 taong gulang na komedyante, aktor, mananayaw, mang-aawit, hurado at television host. Naging miyembro din siya ng male dance group na “Streetboys”. Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng publiko ang balitang nalalapit na ang pag-iisang dibdib ni Vhong at ng kaniyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista! Ayon sa mga ulat ay sa Kyoto, Japan gaganapin ang kanilang kasal na magaganap na sa ika-29 ng Nobyembre kung saan ang espesyal na araw na ito ay dadaluhan ng malalapit nilang kaanak at mga kaibigan.



Tunay nga na makalipas ang mahabang panahon at ang mga mabibigat na pagsubok na dumaan sa kanilang realsyon ay napagtagumpayan nila ang mga ito at mas naging matatag pa sila bilang magkasintahan. Marami ang nasorpresa sa magandang balitang ito dahil talaga namang naging pribado ang dalawa tungkol sa kanilang pagsasama.


Ang nobya ng sikat na komedyante ay walang iba kundi si Tanya na isang resident writer sa ABS-CBN. Ang pagkakakilala nila habang sila ay nagtatrabaho noon bilang isang aktor si Vhong at manunulat naman si Tanya ay talaga namang tumatak sa puso ng kanilang mga tagahanga at mga taga-suporta.


Siguradong dadalo ang mga It’s Showtime hosts na sina Jhong Hilario, Anne Curtis, Vice Ganda, at Kuya Kim Atienza sa kasal ni Vhong at Tanya. Ito ay dahilan din kung bakit hindi “live” ang napapanuod ng mga viewers sa kanilang programa dahil sa karamihan sa kanila ay dadalo sa kasal ng kapwa nila host at matalik nilang kaibigan. Ang kasalang ito ay talaga namang hinubog at sinubok ng panahon at ng marami pang mga pagsubok.


Dahil matatandaang nasangkot noon sa isang eskandalo ang komedyanteng si Vhong taong 2014 kung saan sangkot din si Deniece Cornejo at ang negosyanteng si Cedric Lee. Ngunit sa kabila nito ay mas naging matatag pa sina Tanya at si Vhong sa kanilang relasyon at mas naging inspirasyon din sila sa marami pang tao na humaharap din sa mga matinding hamon ng buhay.






error: Content is protected !!