Chocolate Hills ng Bulacan (Tila Pilon Hills)



Sa dami ng mga bagay na ating iniisip at ginagawa sa araw-araw, sadyang napakasarap sa pakiramdam na makakita ng mga magagandang tanawin at makalanghap ng sariling hangin. Marahil ay marami sa atin ngayon ang abala sa ating mga trabaho sa opisina o maging sa ating mga tahanan, ngunit hindi rin natin dapat kalimutan na magpahinga at kahit paminsan-minsan ay bumiyahe at makadiskubre ng mga kamangha-manghang tanawin.

Isang bagong pasyalan sa Bulacan ang Tila Pilon Hills ito ay matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan ayon sa aming tour guide nitong 2019 lang ito na diskubre kaya naman madaming mga tao ang nag pupunta dito.



Gaya na lamang ng Batanes at Bohol ng Bulacan! Sinong mag-aakala na mayroon pa lang paraisong itinatago ang bayan ng Bulacan! Talaga namang mamamangha ka sa ganda ng bulubunduking tanawin dito.

Magandang lakaran din ito at hindi gaanong mahirap kung kaya hindi mahihirapan ang mga unang beses na susubok puntahan ang lugar na ito. Marami nang mga tao ang nahihikayat na magtungo sa lugar na ito sa probinsiya ng Bulacan.



Sa blog na ito aming isusulat o ipapakita kung paano pumunta dito at kung ano ano ang aming naranasan. Maraming mga bagay ang dapat nating tandaan kung nagnanais tayong puntahan ang paraisong ito, ang Tila Pilon Hills ng DRT, Bulacan.

May kalayuan ang lugar kung kaya naman mas mainam nang magdala ng sariling sasakyan kung sa Maynila pa kayo magmumula. Mahina ang signal sa lugar na ito kung kaya naman mapapayapa ng sandali ang iyong puso at kalooban lalo na kung masasaksihan mo ang makapigil-hiningang tanawin nito. Ito ang paraan kung paano magtungo dito:



Paano Pumunta dito?

Kung ikaw ay manggagaling sa Cubao, sumakay ng bus biyaheng Cabanatuan at sabihin sa konduktor na ibaba kayo sa Camias-Sibul Hi-way, mas mainam na ding sabihin na magtutungo ka sa Doña Remedios Trinidad (DRT). Matapos nito ay sumakay ng tricycle at sabihing ibaba ka sa Kalawakan Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Kalawakan sa halip na sabihin ang Tila Pilon dahil sa hindi pa ito gaanong kakilala.

Pagkatapos at magtungo kaagad sa Barangay Hall sa tabi mismo ng paaralan at ipaalam sa mga opisyal ng barangay na aakyat kayo ng Tila Pilon at bibigyan nila kayo ng isang tour guide. Huwag kalilimutan na isulat ang iyong pangalan sa kanilang log book.

Kung may sarili kang sasakyan mas maganda kung dadaan kayo sa mismo arc ng DRT dahil makikita mo ang ganda ng DRT habang ikaw ay bumabyahe. Kung galing ka Manila at may sarili kayong sasakyan dumaan kayo sa Plaridel Bypass. Maaring tingnan sa ibaba ang aming minarkahan.



Kung ikaw ay nag mamadali mas mainam din na dumaan nalang kayo sa San Miguel Bulacan

Sa aming experience at ayon sa front desk hindi ka pwede pumunta doon na walang tour guide ang bayad sa tour guide ay nasa 300 pesos kada 7 katao.

At kung 8 kayo kailangan pa kumuha ng isang tour guide pero kung mapapakiusapan nyo baka pumayag sila na isa lang. Ang entrace fee dito ay aabot ng 20 pesos kada tao.

Mas marami kang kasama ay mas mainam upang mayroon kang kahati sa mga gastusin gaya ng pamasah. Kung sariling sasakyan naman ang gamit, hanapin ang Brgy, Kalawakan Elementary School, DRT, Bulacan sa Waze o Google Maps.

Kapag nakarating na kayo rito ay mapapansin ninyong mahina ang signal kung kaya naman dapat na maging handa at huwag itong kalilimutan. Higit sa lahat, maging isang responsableng biyahero at mag-iwan ng walang kahit anong marka.

Para makita ang aming experience sa Tila Pilon Panoorin nyo ang video na ito. Kung hindi nag play o may error sa inyo maaring dumeretso na sa Mismo Youtube Link click here.

❤Fast Forward

-Tila Pilon Hills: 33:00

❤No Fast Forward




error: Content is protected !!