Walong taon bago nakapagtapos ang anak ng magsasakang ito, ngunit ngayon at Top 6 siya sa lahat ng kumuha ng board exams!



Maaaring matagal na panahon rin ang inabot bago nakapagtapos ng kolehiyo ang estudyanteng ito ngunit makalipas ang walong taon sa paaralan ay nakapagtapos na rin ang anak ng magsasakang ito na nag-viral pa nga dahil nasa ika-anim na pwesto siya sa “board exams”. Isang “certified lodi” ang 25 taong gulang na si Bryan Eric Olitoquit ng San Fernando, Camarines Sur dahil sa ikaanim niyang pwesto sa ginanap na Agricultural Engineering Borad Exam. Kahit pa nga walong taon ang inabot bago siya maka-graduate.



Ang kaniyang kwento ay naging inspirasyon sa napakaraming mga mag-aaral na nakakaranas ngayon ng pagsubok sa kanilang pag-aaral. Tunay nga na hindi lamang grado o marka sa paaralan ang sukatan ng tagumpay ng isang mag-aaral.


Nakapagtapos si Bryan sa Central Bicol State University of Agriculture kung saan nagtapos siya ng Agricultural Engineering. Ngunit hindi ito naging madali para sa kaniya dahil ilang mga klase din ang kaniyang naibagsak. Maging sa kaniyang “thesis” ay nahirapan din siya. Ngunti kahit pa ganito ang kaniyang dinanas ay hindi pa rin siya tumigil at huminto sa kaniyang mga pangarap.


Limang taon lamang ang kaniyang kursong ngunit walong taon niya ito binuno. Sumubok siya ng sumubok hanggang sa nagtagumpay rin siya. Ang pinakamagandang balita pa rito ay nakapagtapos siya ng mayroon pang karangalan! Siya at anak ng isang magsasaka at secretary ng kanilang barangay sa San Fernando. Marahil ay hindi siya ang tipikal na estudyanteng madalas nating madinig ang kwento ngunit sadyang malaking karangalan din ang kaniyang nakamit mula sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga.


Tunay nga na napakahalaga ng edukasyon para sa maraming mga Pilipino, ito ang isa sa mga susi upang makamit ang tagumpay sa buhay at matulungan ang pamilya. Talaga namang kahanga-hanga ang kwento ni Bryan para sa marami pang mga estudyanteng nagsusumikap at nagpapagal sa kanilang pag-aaral sa kabila ng kahirapan at iba pang mga pagsubok na kanilang kinahaharap.






error: Content is protected !!