Bahay ni Coco Martin sa Quezon City aakalain mong isang resort sa ganda at laki!



Si Rodel Nancianceno o mas kilala ng publiko bilang si Coco Martin ay 38 taong gulang na aktor, direktor, at prodyuser. Nakilala din siya sa kaniyang natatanging pagganap sa “Walang Hanggan”, “Juan dela Cruz”, at “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Taong 2017 naman ng gumanap siya bilang Panday sa “Ang Panday” habang nagsisilbi rin bilang direktor nito. Tunay niyang pangalan ang kaniyang gamit sa kaniyang pagdidirektor.



Siya ay kilala bioang deboto ng Itim na Nazareno at madalas niyang kasama ang kaniyang lola sa simbahan ng Quiapo upang magdasal sa Poon. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa National College of Business and Arts sa Fairvide Quezon City. Naging dati rin siyang Overseas Filipino Worker, isang janitor sa Alberta Canada.


Sa kabila ng maraming mga pagsubok na kaniyang pinagdaanan ay talaga namang hinangaan siya ng marami at nagsilbing inspirasyon dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay. Ngayon ay mayroon na siyang ilang mga bahay at lupa, mga mamahaling sasakyan, at iba pang mga ari-arian.


Isa na rito ang mala-resort niyang tahanan sa Quezon City na talaga namang kamangha-mangha ang mga pasilidad. Tatlong taon ang inabot ng pagpapatayo nito ng kaniyang magarbong tahanan dahil sa ayaw nitong umutang sa bangko matapos lamang kaagad ang kaniyang pangarap na tahanan.


Ang kaniyang pintuan ay mula pa sa National Artist for Visual Arts na si Abdulamari Asia Imao. Nagpagawa ang aktor ng pintuang mayroong disenyong isda dahil sa Pisces ang Zodiac Sign ng mahal niyang lola. Ilan pa sa mga kilalang personalidad na nagdisenyo sa dream house ng aktor ay sina Miguel Aguas, Trek Valdizno, Kenneth Cobonpue at Vito Selma. Mayroon ding sariling sinehan ang aktor sa kaniyang tahanan na kumpleto din sa sound system at mga upuan. Ang kaniyang mga natanggap na awards ay dito rin matatagpuan.



Ang kaniyang kwarto ay mayroong mga abstract painting mula kay Arturo Luz na isa ding kilalang National Artist for Visual Arts. Ang kaniyang living room ay mayroong mga furnitures na gawa ng popular na Pinoy na si Kenneth Cobonpue. Mayroon din siyang Cabana na maaari din maging isang guest house na kumpleto din sa mga kasangkapan, kwarto, at kusina.




error: Content is protected !!