John Lloyd Cruz pinayuhan ang bagong kasal na sina Vhong Navarro at Tanya Winona Bautista-Navarro na gumawa sila ng maraming mga supling!



Ang 36 na taong gulang na aktor na si John Lloyd Cruz ay nagbigay ng payo sa kaniyang malapit na kaibigan na si Vhong Navarro para sa pag-iisang dibdib ni Vhong at ng longtime girlfriend nitong si Tanya Winona Bautista. Ang kanilang kasalan ay naganap sa Kyoto, Japan noong Huwebes, Nobyembre 28. Isa si John Lloyd sa mga sikat na personalidad na bisita ng bagong kasal sa kanilang naging pribadong kasalan sa “Four Seasons Hotel” sa Japan. Nilisan niya ang industriya ng show business dahil sa personal niyang dahilan noong Oktubre 2017.



Marami sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang nagalak na makita ang malinis na mukha ng aktor na walang bigote at balbas. Sa video na ibinahagi ni Doktora Vicki Belo sa kaniyang Instagram account ay maririnig na nagbigay ng kaniyang payo si John Lloyd sa bagong kasal. Sa reception ng kasal ay masayang pinayuhan ni John Lloyd na gumawa ng maraming mga sanggol ang dalawa. Ang viral video ay mayroong caption na, “To all of you who miss John Lloyd Cruz, here’s a treat. He still had the charm and dashing good looks.”


Natatawang komento ni John Lloyd na dapat at gumawa na sina Vhong at Winona ng maraming mga supling upang mapalitan na ang mga lalaking katulad niya at ni Vhong, natatawang sambit nito. Pinaalalahanan niya din ang bagong kasal na huwag kalilimutan ang mga pangako at mga salitang binitiwan nila sa isa’t-isa, sa harapan ng kanilang mga bisita, ng Pari at sa harapan ng altar.


 

View this post on Instagram

 

To all of you who miss John Lloyd Cruz , here s a treat . He still has the charm and dashing good looks.

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Mayroon nang dalawang anak si Vhong sa kaniyang mga naunang relasyon, si Frederick ang 20 taong gulang niyang anak sa dating non-showbiz girlfriend at si Isaiah na anak naman niya sa kaniyang dating asawa na si Bianca Lapus. Ayon din sa isang video na ibinahagi ng netizen ay kasama ni John Lloyd ang kaniyang isang taong gulang na anak na si Elias Modesto na dumalo sa kasalan na ito.





error: Content is protected !!