Bonggang bakasyon ni Angel Locsin sa Italya labis na hinangaan ng kaniyang mga tagasuporta!



Si Angelica Locsin Colmenares o mas kilala ng publiko bilang si Angel Locsin ay 34 na taong gulang na aktres, commercial model, film producer at fashion designer. Siya ay hinangaan at minamahal ng publiko dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa kaniyang mga programa sa telebisyon at mga pelikula. Bukod pa rito ay mayroon din siyang busilak na puso sa pagtulong sa kaniyang kapwa na mas minamahal pa ng mga taong nakakikilala sa kaniyang pagkatao. Hunyo 2019 nang ibalita ng aktres sa kaniyang social media account ang kaniyang nalalapit na kasal sa kaniyang nobyo na si Neil Arce na isang movie producer.



Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng publiko ang mga larawan ng aktres sa kaniyang pamamasyal sa Italya kasama ang fiancé. Talaga namang kapansin-pansin ang pagiging “blooming” ng aktres at ang ningning ng kaniyang kagandahan na bawat larawan nito.


Ang kaniyang angking kagandahan ay hindi kumukupas mula noon hanggang ngayon. Bagamat simple lamang ang kaniyang mga kasuotan at maging ang kaniyang “make-up” ay hindi maipagkakailang isa siya sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng show business.


Kasama niya si Neil Arce sa Rome Italy at talaga namang kilig na kilig ang maraming mga netizens dahil kahit sa mga larawan lamang nila nakikita ang magkasintahan ay damang-dama mo talaga ang pag-ibig nila sa isa’t-isa at talaga namang bagay na bagay silang dalawa.


Maging ang mga malalapit nilang kaibigan na mga celebrities ay hindi na rin napigilan pang mag-react at magkomento sa mga nakakabighaning larawan ng aktres. Ilan na nga sa mga ito ay sina Neri Miranda, Angelica Panganiban, Bubbles Paraiso, Iza Calzado at marami pang iba. Maging ang maraming mga netizens ay talaga namang nabighani sa kagandahan ng isang Angel Locsin ngunit higit pa rito ay batid din nila kung gaano ito kabuting-tao lalo na sa mga taong nangangailangan dahil sa hindi ito nagdadalawang-isip na tumulong sa mga panahon ng kalamidad at sakuna.






error: Content is protected !!