Flight attendant na misis inireklamo kay Tulfo ang kaniyang mapanakit na mister!



Hindi madaling magtiwala at magmahal ngunit sa pagkakataon na mahulog na ang iyong loob sa isang tao ay talaga namang mahihirapan ka nang kalimutan pa ito. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung marami sa atin ang hindi na nagdadalawang-isip pang pumasok sa isang relasyon o di kaya naman ay magpakasal.



Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nakakakilig dahil mayroon ding ilan na talaga namang masakit sa damdamin. Kagaya na lamang ng mag-asawang ito kung saan ang mister na isang “flight instructor” ay sinasaktan pala ang kaniyang misis na dating isang “flight attendant”. Ang misis ay nakilala bilang si Princess Analyn Mangalino na inirereklamo ang kaniyang mister na si Eduardo Mangalino, Jr. Flight Instructor nang pangbubugbog at pananakit sa kaniya.


Dumulog ang misis sa programa ni Raffy Tulfo upang mabigyan ng hustisya ang naging karanasan niya sa mister. Tinanong siya ni Raffy kung paano nangyari o nagana pang naging pananakit sa kaniya at ayon dito ay nagagalit na lamang sa kaniya ang mister sa maliliit na dahilan.


Higit pa rito ay hindi man lamang niya ito makitaan ng pagsuporta at pagkalinga sa ginagawa nitong pag-aalaga sa bagong silang nilang anak. Hindi rin maibili ng mister ng kahit anong luho ang asawa samantalang naibili nito ang kaniyang sarili ng “big bike” at mayroon din itong kotse at negosyong sa kaniya lamang nakapangalan.


Nais nang mister na magkaayos silang mag-asawa ngunit ang gusto ng misis ay mademanda na ang kaniyang mister at matutunan nito ang leksyon na nararapat sa kaniya. Kahit ano mang pagmamakaawa ng mister sa misis nito ay desidido na siyang kasuhan ang asawa sa pananakit at pananabunot na naranasan nito sa kaniyang mister.



Tunay nga na nakakalungkot isipin na ang mag-asawa dapat ang mayroong pinakamatatag na pundasyon sa isang sambahayan ngunit mayroong malaking tyansa na sa kanila din magmula ang pagkasira nito.




error: Content is protected !!