Ito na pala ang buhay ni Patrick Garcia matapos niyang iwanan ang show business!



Si Franz Patrick Velasco Garcia o mas kilala ng publiko bilang si Patrick Garcia ay 38 taong gulang na aktor. Siya ay kilala rin bilang kapatid ng sikat na aktres at celebrity mom na si Cheska Garcia-Kramer. Naging karelasyon niya dati ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado kung saan siya ay nagkaroon ng isang anak na nagngangalang Alex Jazz Mercado na isinilang noong 2008. Taong 2015 naman nang ikasal si Patrick at Nikka Martinez. Sila nagkaroon ng tatlong mga anak, sina Michelle Celeste “Chelsea” na isinilang noong 2012, Nicola Patrice isinilang noong 2016, at Francisca Pia ipinanganal noong 2017.



Ang dating sikat na child actor na naging matinee idol kalaunan ay talaga namang hinangaan ng maraming mga tao hindi lamang sa kaniyang angking kagwapuhan kundi maging sa kaniyang kahusayan sa kaniyanglarangan. Sa ngayon siya ay isa nang mabuting asawa sa kaniyang misis na si Nikka at mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak.

“When you’re not yet a father they say that it’s hard daw, magpalit ng diaper, mga ganun. Pero when it’s there kayang kaya mo lang. Of course pag pagod ka there are some challenges na pagod na pagod ka na tapos yung baby mo ayaw pa matulog. Yun lang yung mga challenges pero siyempre sanay naman tayo sa puyat kasi pag artista ka lagi kang napupuyat,” pagbabahagi ng aktor sa ginanap na Similac Gain School forum na kaniyang dinaluhan.




Dagdag pa ni Patrick, bagamat hindi na siya aktibo sa harap ng camera sa ngayon ay masayang masaya pa rin siya sa pagiging isang asawa at ama sa kaniyang pamilya.
“Mas masaya kesa sa showbiz kasi dito sa pagiging tatay maraming tawanan, maraming iyakan, maraming drama, maraming suspense. Wala lang horror pero isa ito sa pinakamasayang bagay na nangyari sa akin.” Dagdag pa niya. Tunay nga na walang makahihigit pa sa saying naibibigay ng pagiging isang magulang.





error: Content is protected !!