Mga throwback pictures ng mga “Lola Celebrities” natin ngayon labis na hinahangaan ng publiko!



Sa panahon ngayon na napakarami nang pinagbago ng mundo magmula sa pinakamaliit na detalye sa ating pang-araw-araw na buhay hanggang sa pinakamalaking bagay na naitulong ng modernisasyon at modernong ekonomiya ngayon ay talaga namang nakamamanghang malaman na mayroon pa ring mga naitatabing alaala ang nakaraan na sadyang napakasarap balik-balikan. Katulad na lamang ng mga lumang larawan ng mga sikat na artistang ito noong araw. Maaaring mga lola na sila kung tawagin ngayon ngunit ang kanilang angking kagandahan at kasimplehan noon ay talaga namang makapigil hininga. Kilalanin natin ang ilan sa kanila:

PERLA BAUTISTA




Si Perla Bautista ay 79 na taong gulang na aktres at talaga namang napakarami na rin niyang mga parangal at mga pagkilalang nakamit. Sa katunayan ay mayroon na siyang nagawa na higit sa 250 mga pelikula at programa sa telebisyon. Nagwagi siya bilang Best Actress sa FAMAS Award para sa “Markang Rehas” at ng Gawad Urian Award for Best Supporting Actress sa “Anak Ng Cabron”.

ROSA ROSAL



Si Florence Danon Gayda o mas kilala bilang si Rosa Rosal ay 88 taong gulang na aktres. Siya ay tinaguariang “original femme fatale of Philippine cinema”. Kilala rin siya sa kaniyang mga kahanga-hangang pagkakawang-gawa sa tulong na rin ng Philippine National Red Cross.

BOOTS ANSON-ROA



Si Boots Anson-Roa ay si María Elisa Cristóbal Anson-Rodrigo sa tunay na buhay. Siya ay 74 taong gulang na aktres, columnist, editor, at lecturer. 1968 nang magsimula siya sa kaniyang pag-arte at ilan sa mga nakatrabaho niyang mga beterano ding artista ay sina Dante Rivero, Joseph Estrada at Fernando Poe Jr. sa ilalim ng Sampaguita Pictures. Ginawaran din siya ng Lifetime Achievement awards ng FAMAS at Star Awards dahil sa natatangi niyang kontribusyon sa industriya.

CARIDAD SANCHEZ




Si Caridad Sanchez ay 83 taong gulang na aktres na madalas na napapanuod sa Kapuso network. Madalas ay gumaganap siyang isang lola, isang ina, o di kaya naman ay isang katiwala o kasambahay. Labis na hinangaan ang beteranang aktres na ito dahil sa kaniyang natatanging husay sa pag-arte.

LIZA LORENA


Si Elizabeth Ann Jolene Luciano Winsett o mas kilala ng publiko bilang si Liza Lorena ay 71 taong gulang na beteranang aktres at dating beauty queen. Siya ang First Runner-Up sa ginanap na Bb. Pilipinas pageant noong 1966.

GINA PAREÑO




Si Gina Pareño o Geraldine Acthley sa totoong buhay ay 70 taong gulang na aktres na gumanap din sa popular na karakter ng Pinoy superhero na si Darna noong 1969 na pinamagatang “Darna at ang Planetman”.

Source: ThePinoyHistory