Sunshine Cruz ibinahagi ang naging negatibong epekto sa kaniya ng relasyon nila noon ng dating asawa na si Cesar Montano



Si Sunshine Cruz ay 42 taong gulang na aktres, mang-aawit, at endorser sa Pilipinas. Siya ay miyembro din ng malaking angkan ng mga Cruz sa industriya ng show business. Taong 2000 nang ikinasal siya sa kilalang aktor at direktor na si Cesar Montano.



Sila ay nagkaroon ng tatlong mga anak na pinangalanan nilang Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kamakailan lamang ay nagbahagi ang aktres ng kaniyang mga naging karanasan patungkol sa naging dati nilang relasyon nila ng mister na si Cesar. Ibinahagi din nito ang isa sa mga naging negatibong epekto nito sa kaniya.

Ibinahagi ng aktres sa isa sa kaniyang panayam sa PUSH mula sa akda ni Rhea Manila Santos ay hindi niya nagawang mahalin at alagaan ang sarili niya noong magkasama pa sila ng dating mister. Hinikayat at pinaalalahanan niya rin ang iba pang mga kababaihan na kasalukuyang nasa isang relasyon o pagsasama na huwag ding kalilimutan na ingatan at mahalin ang kanilang mga sarili. Pagbabahagi pa niya, sa 13 taon na naging pagsasama nila noon ay hindi niya ninais na magpaganda at aminado siyang napabayaan niya ang kaniyang sarili dahil sa pamilya lamang niya umiikot ang kaniyang mundo, sa kaniyang mister at sa kanilang mga anak.




At nang maghiwalay nga sila ay naisip niyang nais din naman niyang mahalin siya ng ibang tao at magmahal din siyang muli ng iba ngunit bago pa man niya magawa yon ay kailangan muna niyang mahalin ang kaniyang sarili. Nang nahiwalay siya sa kaniyang asawa ay binigyan niya ng panibagong pagkakataon ang kaniyang sarili kung saan natuto siyang mahalin ang kaniyang katawan, nag-ehersisyo siya, nagpaganda, at nagpakulay ng buhok. Dagdag pa nga ng aktres noon ay hindi niya nagagawang magpakulay ng buhok at kahit marami siyang mga “uban” ay ipinapabunot na lamang niya ang mga ito. Sa ngayon ay nagagawa na niyang magpakulay ng buhok, magpa-derma, at marami pang mga bagay na hindi niya nagagawa noon.





error: Content is protected !!