Isang batang gumagawa ng kaniyang homework sa loob ng isang gadget store hinangaan ng publiko!



Aminin man natin o hindi, sadyang napakarami nang naging pagbabago sa araw-araw nating pamumuhay sa paglipas ng panahon. Marami sa mga bagay na ito ang labis na nakatutulong sa ating lahat ngunit kahit anong bagay na ating abusuhin ay talaga namang magdudulot ng hindi magandang mga resulta. Kung marami sa atin ang nasanay nang gumamit ng internet sa araw-araw at hawakan ang kanilang mga gadgets sa loob ng mahabang oras, mayroon pa din namang mga tao na walang kakayahang makabili ng mga ito o di kaya naman ay makapagpakabit ng sarili nilang internet.



Kagaya na lamang ng kahanga-hangang bata na ito na gumawa ng kaniyang takdang-aralin sa loob ng isang gadget store. Wala kasi siyang “tablet” o anumang gadget na magagamit kung kaya dumiskarte siya ng paraang alam niya upang kahit papaano ay makagawa pa rin ng kaniyang takdang-aralin. Isang concerned netizen na nakilala bilang si Fran Rusti na nagbahagi ng viral video ng batang estudyante upang maraming makapanuod at makapansin sa bata. Mayroon din namang ilang mga netizens ang nagpaabot na ng pagnanais na tulungan ang masipag at madiskarteng estudyante.


Maraming mga netizens ang humanga at bumilib sa batang ito dahil sa halip na panghinaan ng loob at mawalan ng pag-asa ay talaga namang naka-isip siya ng paraan upang maitawid ang kaniyang kailangang gawin sa kanilang eskwela. Talaga namang sa murang edad ay hahangaan mo talaga ang pagiging madiskarte ng batang ito. Isang napakagandang aral para sa marami pang mga kabataan na sa halip na magreklamo ng magreklamo sa mga bagay na hindi nila makuha kahit pa napakarami na nilang bagay na tinatamasa ngayon hindi tulad ng ilang mga tao sa kanilang paligid.



Tunay nga na kung may pangarap tayo sa buhay at nais nating makamit ito ay walang makakahadlang sa ating pagpupursige na makamit ito kahit pa sabihin ng marami na imposible. Dahil sa isang taong mayroong pangarap, lahat ng mga bagay na imposible ay pawang magiging posible para sa kanila.





error: Content is protected !!