Palaban at prangkang resignation letter kinabiliban at kinaaliwan ng mga netizens!



Marahil ay marami ang makaka-relate sa patok na patok na resignation letter na ito na usap-usapan ngayon sa social media. Ito ay ibinihagi ng isang netizen na nakilala bilang si Aian Tiong Arroz. Talaga namang hinangaan ng publiko ang pagiging palaban, matapang at deretsuhang pahayag ng nagsulat ng resignation letter na ito. Ang nasabing liham ay naglalaman ng ilang mga hinaing ng isang empleyado hindi lamang sa kaniyang trabaho, sa mga taong nakakasalumuha nito kundi maging sa iba pang mga bagay na hindi nagiging maganda ang epekto sa kaniya at sa kaniyang trabaho.

Bilang panimula ay nakasaad dito na epektibo ang nasabing liham sa lalon madaling panahon. Sa halip na pormal na mga salita ay talaga namang tuwirang ipinahayag dito ang kaniyang mga hinaing bilang isang empleyado. Dagdag pa ng may akda ng nasabing liham ay masaya naman siyang magtrabaho talaga ngunit sadyang napaka-“toxic” lang talaga ng mga tao roon. Mayroon ding “language barrier”, at hindi sapat na sweldo lalo na kung “overtime”. Bukod pa rito ay inirereklamo niya din ang masungit na “utility”, walang “bidet” na banyo, at mga malisyosong katrabaho.
Diumano ay minsang may nagsundo sa kaniya ay pinagkamalan na itong “sugar daddy” niya. At higit sa lahat ay sadyang mahal din ang mga panindang pagkain sa kanilang “cafeteria” kung saan P85 ang pinakamurang pagkain samantalang P50 lamang ang nakalaan niyang budget para sa kaniyang pananghalian.



Malaking bagay pa rin naman talaga ang halagang P35 na matitipid mo sa araw-araw na pagpasok sa trabaho. Ngunit ang mas higit na kinaaliwan ng marami ay ang nakasaad sa liham na mayroong tinderang masama ang ugali sa kanilang cafeteria ngunit hindi naman pantay ang kilay! Nagpakilala ang nagsulat ng liham bilang “pinakamagandang nilalang sa Ortigas” na si Mark Ryan T. Arroz.


Umani ng maraming mga positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens ang viral na resignation letter ng netizen na ito. Tunay ngang napakasarap sa pakiramdam na masabi mo lahat ng sama ng loob mo sa iyong trabaho at lalo’t higit sa mga taong nakapaligid sa iyo.




error: Content is protected !!